Mharimar's POV Bumagsak na lang ang mga balikat ko dahil sa pagod ng paulit-ulit na pagpihit sa doorknob. Kahit na anong gawin ko ayaw talaga itong mabuksan. Kahit na si Mr. Jill wala rin nagawa. Hindi niya rin alam kung paano. Tuluyan na yata kaming makukulong dito. Sana lang maisip ni Lola puntahan kami dito sa library. Pero mukhang malabo yata 'yon dahil nga masakit ang mga tuhod niya. So, paano na? Makukulong na lang ba kami dito buong magdamag? Sinulyapan ko si Mr. Jill, nakaupo na ngayon sa swivel chair habang nagbabasa ng libro. Parang wala lang sa kaniya na nakulong kami dito. Ang masaklap pa, habang tumatagal mas lumalamig ang paligid. Para bang may sumasadyang lakasan ang aircon. Huminga ako nang malalim bago naupo sa gilid, yakap-yakap ang sarili. Ramdam kong nangin

