Mharimar's POV KANINA pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Nandito ako sa backseat habang ang dalawang lalaki ay nasa unahan. Ang isa ay nagmamaneho habang ang isa naman ay katabi naman nito. Paano kung niloloko lang pala nila ako? Paano kung hindi pala totoong dadalhin nila ako kay Lola? "E-excuse me." Napalingon ang isang lalaki sa akin. "Ahm! S-sigurado ba kayo na dadalhin niyo 'ko kay Lola? I-iba yata itong dinadaanan natin." "Short cut ito, Miss. Para mas mapabilis tayo." "G-ganoon ba? H-hindi ba kayo nagsisinungaling sa 'kin?" "Mukha ba kaming mga sinungaling, Miss?" pilosopo naman na tanong ng driver. "H-hindi naman. Naninigurado lang kasi ako. Minsan niyo na kasi akong dinala sa club. May trauma na ako sa inyo." Napansin ko ang pagtawa ng driver ganoon din

