Mharimar's POV "Mhari, let's talk." Nag-angat ako ng tingin ng marinig bigla ang boses ni Serene. Namamaga ang mga mata ko dahil bukod sa umiyak ako hindi pa nakatulog. Buong magdamag kong inisip ang masasakit na salitang binitawan ni Mr. Jill sa akin. Hindi ko tinanggap ang perang binibigay niya sa akin kagabi. Ibinalik ko 'yon sa kaniya. Kahit papaano may pride pa naman ako. Hindi na ako uuwi pa sa mansion mamayang gabi dahil napagpasyahan ko ng babalik na sa apartment. Pag-angat ko ng tingin nasilayan ko si Serene. Hindi nga ako nagkakamali, dahil siya nga itong nasa harapan ko. Ang lapad ng kaniyang mga ngiti. "Anong pag-uusapan natin, Serene? I mean, ma'am Serene." "Ano ka ba? Puwede mo naman ako tawaging Serene kapag tayong dalawa lang. Sinadya ko talagang puntahan ka di

