Mharimar’s POV Abala ako sa desk habang sinusuri ang mga appointment at meeting schedule ni Mr. Jill para sa buong linggo. Nakakalat sa harap ko ang ilang folder, memo, at isang tasa ng kape na kanina pa lumamig. Sa sobrang tutok ko sa ginagawa, nakalimutan ko ng may kape pala ako. Narinig ko na lang na tumunog ang linya ng telepono sa tabi ko. Agad kong sinagot iyon. "Yes, hello?" sagot ko. "Ms. Buret..." sagot sa kabilang linya. Alam kong si Mr. Jill ito. Ano na naman kaya ang iuutos niya? "Mr. Jill, a-anong kailangan mo? May iuutos ka ba?" pormal kong tanong dito. "Anong ginagawa mo?” malamig na tanong nito mula sa kabilang linya. Napatingin ako sa ibabaw ng aking desk. Nagkalat pa ang mga papel at draft ng schedule niya. “Gumagawa po ng schedule n’yo,” mahinahon kong sagot.

