Mharimar's POV Bahagyang bumukas ang pintuan ng library kaya sabay kaming napalingon ni Mr. Jill doon. Iniluwa mula doon si Lola na abot-tainga ang ngiti, kasama ang isang maid na may hawak pang tray na may dalawang tasa na nakapatong. Kaagad kong itinulak palayo sa akin si Mr. Jill ng matauhang magkalapit pala ang aming mga katawan. Huli na dahil nakita na kami ni Lola "L-Lola..." sambit ko. Mas lalo pa lumapad ang mga ngiti ni Lola. Lumapit ito sa akin. "Nakatulog ba kayo ng maayos dito?" tanong niya habang nililinga-linga ang paligid. Bakit ngayon lang niya kami sinundan dito. Bakit hindi niya kami sinundan kagabi. E 'di sana hindi kami dito nakulong at sana walang nangyari sa amin ni Mr. Jill. Nagustuhan mo naman 'yon 'di ba, self? Kausap ko sa aking sarili. Magsasalita na s

