Episode 2

1869 Words
Pasado alas kwatro ng hapon nang sunduin ko sa school ang Grade 4 kung kapatid na si Bugoy. May kalayuan ang eskwelahan nila sa bahay namin pero makakayanan pa namang lakaran. Oo mahirap lang kami, pero hindi ito hadlang para hindi namin tuparin ang mga pangarap namin. Sinisikap talaga namin na mapag-aral at mapagtapos ang kapatid ko dahil ako ay hanggang highschool lang ang natapos. Katatapos lang ang kontrata ko sa isang mall bilang sales clerk at kasalukuyan pa ako naghahanap ng panibagong trabaho. Sa totoo lang nahihirapan talaga akong makahanap ng trabaho dahil na din siguro sa wala akong natapos. Si nanay ay tindera ng gulay at mga isda sa palengke samantalang si itay naman ay nag-eextra sa pagcoconstruction, pero natigil na din dahil mahina na ang katawan. Nagkabaon na din kasi kami sa utang dahil sa pagpapagamot kay itay dahil sa TB niya. Pero kahit kapos man kami sa pera o sa mga materyal na bagay, mayaman naman kami sa pagmamahal. Ang importante sa amin ay ang masaya kami na sama-sama. Tinatahak na namin ni Bugoy ang daan pauwi sa amin, sa paglalakad namin ay nadadaanan namin ang isang tulay kung saan madalas kaming tumitigil para pagmasdan ang agos ng tubig sa ilog doon. Doon na din kasi kami nagpapahinga sandali bago tuluyang makauwi.  Mabuti na lamang ay mabait na bata itong kapatid ko at hindi nagrereklamo kahit na naglalakad lang kami. "Ate, may field trip daw po kami sa susunod na buwan." sabi niya sa akin habang nagpapahinga kami. Mabuti na lamang at hindi mainit ang panahon ngayon.  "Ganun ba?" tugon ko sa kanya. "Pero okay lang po kahit hindi ako sumama. Alam ko naman po na wala pa po tayong pera. Ilaan nalang po natin sa mga gamot ni itay." Napahawak ako sa buhok ng kapatid ko.  "Pasensiya ka na ah? Hayaan mo, kapag highschool ka na at may trabaho na ulit si ate, lagi kang sasama sa mga field trip sa school niyo." "Talaga po? Heyey!" masayang tugon nito na para bang batang paslit na binigyan ng candy. "Basta magsikap ka lagi sa pag-aaral ah? Wag mong gayahin si ate na highschool lang ang natapos.' "Wag po kayong mag-alala ate, gagalingan ko po aa eskwela para pag natapos ako at nakapaghanap ng trabaho, magpapagawa po ako ng malaking bahay, mga kotse at magkakaroon na po tayo ng maraming pera para hindi na ninyo kailangang magtrabaho ni inay tapos si itay naman ay ipapagamot natin." "Wow. Sana matupad lahat iyan." Biglang dumampot ng piso si Bugoy sa kanyang bulsa at biglang pumikit pagkatapos ay inihagis ang piso sa ilog. "Bat mo tinapon yung piso?" tanong ko sa kanya. "Nagwish po ako. Kanina po ay nabanggit ng guro namin ang tungkol sa wishing well. Sabi niya kapag naghulog daw ng piso ay matutupad lahat ng hinihiling mo" "Hindi naman wishing well ang ilog e." sabi ko naman.  "Pwedi na po iyan. May tubig din naman po." Sabay tawa naming dalawa.  Muli ay nagpatuloy kami sa paglalakad. Masaya kaming nagkukwentuhan ng kapatid ko at hindi namin alintana ang pagod ng aming mga paa.  Ng patawid na kami ni Bugoy sa kabilang kanto ay nagulat kami dahil sa isang kotse na mabilis ang pagpapatakbo. Muntik na kaming masagasaan ng kapatid ko. Nakaramdam ako ng inis sa driver ng sasakyan na iyon.  Mabuti na lamang ay tumigil ang sasakyan na iyon at nilapitan ko ng nakakurot ang kilay.  Kinatok ko ang bintana ng kotse. Pero ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi man lang niya binuksan kahit ang bintana man lang ng kotse niya.  Muli ang kumatok ng mas malakas kaysa kanina dahil sa pagkairita.  Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto nito at bumaba ang isang napakagwapong lalaki. Sandali ay napawi ang pagkainis ko. Tinapik ko ang mukha ko dahil ayokong matulala sa kagwapuhan niya.  "Hoy mister. Balak mo bang magpakamatay? Kung magppakamatay ka, wag mo kaming idadamay." masungit kong tugon.  "Sorry miss but as far as I know, kayo itong bigla na lamang tumatawid."  "Ano? Kita mo na ngang tumatawid kami ng kapatid ko, mabilis ka pa din magpatakbo. Hindi ito highway."  "Wag mo lalong painitin ang ulo ko. If you want money, how much?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong money? Mukha ba akong ngpapabayad? "Hoy. Anong pinagsasabi mo diyan?" inis kong tanong sa kanya. "Bakit? Hindi pa pera lang naman ang gusto mo? Ganyan naman kayo e. Kunwari pavictim tapos manghihingi ng pera." "Hindi ko kailangan ng pera mo, ang gusto ko lang humingi ka ng sorry. Mahirap ba iyon?" "Mas madaling magbigay ng pera kesa ang humingi ng sorry ng hindi bukal sa kalooban. So here, get it." Sabay abot sa akin ng pera. Siguro kung oportunista ako ay kukunin ko iyon kaso ay pinalaki kami ng mga magulang namin na maging mabait.  Lalo akong nainis sa ginawa niyang iyon. Sa inis ko ay tinadyakan ko siya. Sabay takbo naming dalawa ni Bugoy. Buti nga sa iyo. Ang gwapo mo pa naman ganyan naman ang ugali mo.  Narinig ko pa siyang sumigaw at galit na galit pero ako naman ay tawang-tawa lang.  Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay. Naabutan namin si itay na nagluluto ng banana cue. Magmano kami sa kanya.  "Itay ako na po diyan. Magpahinga na lang po kayo." Sabi ko sa kanya  "Ako na. Pagod na kayo sa paglalakad e. Magpahinga muna kayo. Patapos na din ako." Hinayaan ko na lamang siya.  "Magbibihis lang po ako, ate." "Okay sige. Ako ay magpapahinga lang tapos maliligo na." Mamayang 6pm kasi ay magkikita kami ni Joshua. Boyfriend ko siya ng halos dalawang taon na. Mahal na mhal namin ang isa't isa. Sa totoo lang ay noong highschool pa nanligaw sa akin si Joshua kaya lang prayoridad ko noon ang pag-aaral ko. Hanggang sa naggraduate na kami at hindi na muling nagkita dahil nag-aral siya sa Maynila. Nung nagkita kaming muli ay saka niya ako niligawan at sinagot ko na din pagkatapos. "Isabella, oh magmiryenda na kayo ng kapatid mo." "Salamat itay. Kain na din po kayo. Si Inay po? Hindi pa po ba umuuwi?" "Umuwi na siya kanina pa kaso ay na kina tyang Celia mo, naglalabada." "Bakit hindi na lamang po niya pinagpabukas? Pagod na po siya sa pagtitinda sa palengke.". Nakaramdam ako ng awa sa aking inay. Halos wala na siyang pahinga sa pagtatrabaho para lang may pangtustos sa aming pamilya.  "Kasalanan ko talaga ito, wala akong kwentang ama, ako dapat ang nagtatrabaho, kaso wala akong magawa dahil sa sakit ko. Wala na akong trabaho, pabigat pa ako dahil sa sakit na ito." Laging ganyan si Itay. Madalas siyang nagdadrama dahil sa sitwasyon niya. Sa totoo lang ay hindi namin kailanman inisip ma pabigat siya sa amin.  "Tay, wag po kayo mag-isip ng ganyan. Hindi po kayo pabigat. Basta sisikapin ko po na makapaghanap ng bagong trabaho para makatulong po ako ulit dito." Lampas alas singko ng hapon ng nakabihis na ako para magkita kami ni Joshua sa pinag-usaan naming lugar. Nasa restaurant na ako na pinareserve na niya pero wala pa rin siya doon. Sabagay wala pa namang alas sais, excited lang ako masyado dahil ilang araw na din kami hindi nagkikita.  Sa totoo lanh ay nung mga unang taon namin ay maayos kami ni Joshua, madalas siyang dumadalaw sa bahay at close niya ang pamilya ko. Businessman siya at may sariling kompanya na sila kung tutuusin. Maykaya sila sa buhay. Hindi pa niya ako pinapakilala sa mga magulang niya dahil nasa ibang bansa daw pareho. Wala din naman siyang mga kapatid dahil solong anak lang siya. Pero sa mga lumipas na buwan ramdam ko na may mali sa relasyon namin. Parang hindi na siya sweet katulad ng dati. Iniintindi ko na lamang na baka busy lang siya sa trabaho. Kaya nga noong naghalok siya na kumain kami ng dinner ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Para na din makapag-usap kami tungkol sa aming dalawa dahil ayoko na ganito kaming dalawa.  Tumingin ako sa relo ko 6:37 p.m na pero wala pa din siya. Baka natrapik lang. Naghintay pa ako ng kaunti pa. Pinatawagan ko din siya sa cellphone niya pero out of coverage naman.  Inabala ko na lang ang sarili ko sa pgkalikot sa cp ko habang naghihintay.  Muli ay tumingin ako sa relo ko at lampas 7pm na. Nakaramdam ako ng kaunting inis dahil mahigit isang oras na akong naghihintay. Pero kinakalma ko na lang ang sarili ko.  "Saan ka na ba, Josh? Nakalimutan mo ba ang usapan natin ngayon?" gulong tanong ko sa isip ko.  Hanggang sa wakas ay nasa harapan ko na siya.  "Sorry, kanina ka pa ba?" masiglang tanong niya sa akin.  Pinilit kong ngumiti at ayaw kong ipakita ang inis ko.  Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang umupo sa harapan ko.  "Kanina ka pa ba?" muli niyang tanong. "Hindi. Halos kakadating ko lang." pagsisinungaling o sabay ngiti sa kanya. "That's good. Let's order." Kumakain na kaming dalawa pero ramdam ko pa din na may mali sa kanya. Ni hindi nga kami nag-uusap e. Tahimik lang kami habang kumakain.  Biglang nagring ang phone niya. Malinaw ang mga mata ko at nabasa ko sa screen kung sino ang tumatawag.  Elise calling... Wala akong kilalang Elise, kaya doon ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko.  Mabilos niyang kinuha ang phone niya para siguro hindi ko mabasa ang pangalan ng tumawag pero juli na siya dahil nabasa ko na.  "Wait, sasagutin ko lang." sabi niya sabay tayo at lumabas.  "Bakit kailangan pa niyang lumabas? Ano bang sasabihin ng babaeng iyon? Halos mainis ako sa ginawa niya. Ilang sandali lang ay bumalik na siya sa kinauupuan niya.  "Sino iyon?" tanong ko sa kanya. Hindi siya kaagad nakasagot. "Ahh. Secreratary ko. May tinanong siya about sa pinapagawa ko sa kanya." Tumango na lamang ako dahi ayokong magkaroon ng issue dahil may tiwala ako sa kanya. Muli ay nagring ang phone niya. Yung Elise na naman.  Kinansel niya ang tawag na iyon.  "Baka importante. Bakit mo hindi sinagot?"  "Makakapaghintay iyon. Ayokong makaistorbo siya sa date natin." Doon ay guminhawa kahit papaano ang pakiramdam ko.  Natapos na kami sa dinner na namin.  "Hatid na kita. Para makita ko na din si Bugoy pati si tita at tito. Ano maganda pasalubong?" "Ikaw bahala. Kahit ano naman okay lang sa kanila." Hakmang papasok na ako sa kotse ni Joshua ng biglang may isang babae ang lumapit sa amin. "Josh!" sabi nung babae. Maiksi ang dress nito at kita ang ubog ng katawan. Maganda din at mukhang mayaman. "Sino siya?" tanong ko kay Josh.  "Pumasok ka na sa loob ng kotse. Kakausapin ko lang siya." utos niya sa akin.  "No, Josh. Dapat niyang malaman ang totoo." sabat nung babae.  "Shut up, Elise!" galit na sabi ni Josh.  So ito yung Elise na kanina pa tawag ng tawag sa kanya.  " Ikaw si Elise? Yung secretary niya?" tanong ko sa babae. Napatawa ito ng malakas.  "What? Secretary? Iyan ba ang sabi niya sa iyo?" "Bakit ano ka ba niya?"  Please Isabella. Pumasok ka na muna sa kotse kakausapin ko lang siya sandali." pakiusap ni Joshua. "Fiancè niya ako. Kaya pwedi ba, tigilan mo na siya." "Ano? Impossible. Girlfriend niya ako." matapang kong sabi sa kanya. "Nung wala ako, maybe naghanap siya ng atensiyon sa iba, pero ako ang nauna dahil five years na kami ni Josh at ikakasal na kami. How can you say na seryoso siya sa iyo e mukhang wala naman siyang balak na ipakilaa ka sa parents niya." "Stop it, Elise." "Why Josh? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kaya kung may hiya ka pa, lubayan mo ang fiancè ko." Halos manlambot ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Niloloko lang pala ako ng taong mahal na mahal ko. Hindi ko na mapigilan na pumatak ang aking mga luha. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD