NANG DAHIL sa kutob ni Geofferson na may masamâ pa rin binabalak si Allan Corpuz sa buhay nilang magkasintahan ay nagdesisyon siyang bisitahin ang ama sa kulungan at humingi ng payo rito. Pero bago siya magtungo sa kulungan ay sandali muna niyang tinawagan ang nobya. "Mads, medyo mali-late lang ako sa pagsundo sa'yo, hah?" Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Ganoon ba? Pero, ayos lang naman kung magko-commute ako, Carl." "Is it okay with you?" "Oo naman. Saka, paminsan-minsan din ay magpahinga ka sa pagsundo sa akin. Mas mabuting pagkaabalahan mo rin ang ibang bagay." Tipid siyang napangiti kahit imposibleng makita ni Madison iyon. "Thank you for understanding, Mads." "Sige, o, paano? Kita na lang tayo mamaya sa condo, hah?" "Yeah.. I will surely miss you." "E, teka,

