BAGO PA man matunton ng mga pulis ang safe house ay nagkaroon na ng malay si Allan. Doo'y laking gulat niya nang makita ang sariling nakagapos ang mga kamay at paa. Pinagmasdan pa niya ang paligid at sa sarili ay masuka-suka siya nang maamoy ang hindi kaaya-ayang amoy. At takang napatanong sa sarili, "Paano ako napunta rito?" Nais niya mang humingi ng tulong ay sa tingin niya'y malabong may makarinig sa kaniya. Kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang mapapadyak sa inis. "Bwiset!" inis pa niyang sabi. Hanggang sa makarinig siya ng sirena ng mga pulis. Bagay na nagpalakas ng kabog ng dibdib niya. "Bakit may mga pulis? Set up ba 'to?" pagkausap niya sa sarili. At kahit maliwanag ang sikat ng araw na natatanggap niya mula sa repleksyon ng bintana ay tila nandidilim ang kaniyang paningin d

