FOR SOME reason, walang kamalay-malay si Geofferson na unti-unti na ngang napapalapit si Allan kay Madison bilang si Ivan. Dahilan para matuloy ang plano nitong paninira ng kanilang relasyon, for the sake of Adelle. "What's going on you? Kanina pa lumilipad ang isip mo," pagbigay puna ng kaibigan ni Allan na si Drew. Di umano'y nagkayayaan silang magkaibigan na mag-inom sa bahay nila dahil weekend naman na bukas. In fact, matatapos na rin ang unang linggo ng Setyembre. "Wala naman, may mga bagay lang na kahit ayaw mong gawin ay dapat para sa taong mahal mo." Bahagyang kumunot ang noo ni Drew. "Ang lalim no'n, hah? Pero, tungkol pa rin ba 'to kay Adelle?" "You know me, Drew. Wala naman akong ibang minahal nang higit kay Adelle. At kung maibabalik ko lang ang dati ay sigurado akong

