"NASAAN si Marvin?" Napalingon ang lahat sa naging katanungan ni Nikki. Animo'y nagdulot iyon nang pagkagulat sa lahat habang mahahalatang mas kinakabahan si Jayson para sa kaibigang si Marvin. "Ah.. may binili lang, 'di ba, guys?" pagsisinungaling ni Harold. At siyang pagtango naman nina Patrick at Jaron. Habang hindi naman maiwasang mapatanong ng iba. "Kaano-ano siya ni Marvin?" At siyang tanong din naman ang naging katanungan ni Joanna kay Jayson. "Sino siya?" Sasagutin niya na sana ito subalit nakita niya ang tingin ni Audrey habang katabi niya sa upuan si Joanna. Nang balikan niya ng tingin si Joanna ay mukhang hinihintay talaga nito ang kasagutan niya. "Ahm, babae rin ni Marvin." "Ano?" Napataas ang tono ng boses nito kung kaya't mas kinabahan siya. "Sandali, magpapaliwan

