IT WAS AN unplanned decision but a thing that he should do for the better. Ngayon na ang araw ng flight niya patungong Palawan. At naging maayos naman ang pagpapa-book niya ng flight kahapon. Nagawa niyang iwan ang kaniyang Toyota Vios sa may parking area ng condo unit building upang sumakay ng taxi patungo sa may Cebu Pacific ng Makati kung saan ay doon siya nagpa-book ng flight patungo sa Coron, Palawan. "Boss, sa may Cebu Pacific." Napatango naman ang taxi driver at saka nito napuna ang dala niyang travel bag. "Mukhang matagal-tagal po ang iyong bakasyon, boss," nakangiti nitong sabi. "Ahm, maybe one week could be slow or fast. It depends on the situation kung i-e-enjoy mo ba ang pag-iisa o hahayaan na lang lumipas ang bawat araw kahit hindi ka lubos na masaya," mahabang sabi niya na

