MATAPOS nilang kumain sa labas at seryosong makapag-usap ay nagpasya silang mag-movie marathon sa may living room. May isang metrong distansya sa pagitan nila habang nakaupo sa may sofa at pareho nilang kandong-kandong ng hita ang mga unan na pinapatungan naman ng kanilang mga braso. Para lamang silang magtropa kung tutuusin pero para kay Madison ay sapat na 'yon basta't kasama niya si Geofferson. Saktong nakaka-touch ang scene nang sandaling 'yon nang parehong mabaling ang atensyon nila sa malalakas na katok mula sa pinto. "May bisita ka?" Bahagyang napakunot ang noo ni Geofferson sa naging katanungan ng nobya. "Ba't 'di mo sinabi?" Napakibit-balikat lamang si Geofferson bago sumagot, "Paano ko naman sasabihin kung wala naman akong inaasahang bisita?" "Seryoso? E, sino 'yon?" panini

