"SERIOUSLY? Are you really accusing me, sa pagpapadakip kay Madison Agcaoili?" Mataas ang tono ng boses ni Mrs. Prieto nang sabihin 'yon. Of course, batid naman niyang darating ang araw na ito, kaya hinanda niya rin ang kaniyang sariling budget para sakaling makapagpiyansa sa tulong ng kaniyang abogado. "Mrs. Prieto, you can't deny the fact, dahil mismong anak mo na ang nagsabi na ikaw ang mastermind nang pagpapadakip kay Madison Agcaoili," De Guzman explained. Aaminin ni Mrs. Prieto na nakaramdam siya ng lungkot sa narinig. Ngunit sandali iyong napawi nang marinig niya ang pinakapuno't dulo ng lahat. "Actually, noong una ay itinanggi talaga ni Mr. Geofferson Prieto na may kinalaman ka sa kasong ito, kung hindi pa namin nakita ang id mo sa crime scene." Napahalukipkip siya. Hindi niya aka

