Chapter 18

2016 Words

HINDI MAPAWI ang ngiti sa labi ni Geofferson pagkagising kinabukasan. Lalo na nang makamulatan niya ang good morning message sa kaniya ni Madison. Sadyang hindi pa rin siya makapaniwala sa kung paano naging instant girlfriend niya ang babaeng muntikan na niyang sukuan. Kumorte pa nang mas malaking ngiti ang kaniyang labi habang binabasa ang simple ngunit may halong pagka-sweet na mensahe nito. "Good morning, kumain ka na." Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa upang tawagan ito. At hindi naman siya napahiyang sagutin nito mula sa kabilang linya. "Hi, kagigising ko lang," panimula niya habang nakangiti. Batid niyang malabong makita nito ang ekspresyon ng mukha niya ngunit nais niya pa rin sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman. "Anyway, thank you for the reminder, I appreciat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD