MABILIS na lumipas ang mga araw at tuluyan na ngang nakalabas ng hospital si Madison. Ngunit kinakailangan pa rin niya ng follow check up para sa kasiguraduhan kung hanggang kailan mananatili ang residual effect ng kaniyang naging diagnosis. Kaya naman minabuting manatili na muna ni Madison sa mismong condo ni Geofferson upang doon muling manirahan habang hindi pa talaga siya tuluyang nakaka-recover. At dahil doon ay sina Audrey at Jayson na rin muna ang naghatid kay Baby Harvey dahil sa iyon ang request ni Madison, na hangga't maaari ay makasama rin nila si Baby Harvey habang siya'y tuluyang nagpapagaling. Pero dahil kinakailangan ni Madison ng magiging katuwang sa pag-aalaga kay Baby Harvey ay nagdesisyon si Geofferson na tumira na muna sa mansyon ang kaniyang mag-ina, dahil doon ay tiya

