Ano nga ba ang word na love? For me, Love is everything. Lahat ng tao o bagay dapat minamahal. Tsaka ang love kahit saan ka pumunta makikita mo. Kahit saan naman kasi may love. Nasa atin na lang yun kung pano natin mapapansin, o kung pano natin makikita.
Sabi nila kapag iniwan ka, magbabago ka. Para saken ang word na 'INIWAN' ay hindi rason para maging masamang tao ka. Way yun para mag-transform ka to become a strong person after you become a weak one. Way yun para mas maging mabuti kang tao at hindi ang maging masama. Kaya tayo iniiwan ay para mas marami tayong matutunan. Iniiwan tayo kasi hindi sila deserving na mag-stay sa buhay natin.
Everything happens for a reason sabi nga nila, we just need to do is i-appreciate lang lahat natin in a positive way.
'MOVE ON' word na napakadaling sabihin at ipayo pero sobrang hirap gawin. Ang totoo kaya naman talaga mapadali ang pagmo-move on. Promise, believe me. Madali mong magagawa yun kung gugustohin mo pero hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo. Kung ikukulong mo yung sarili mo sa madilim na nakaraan, e malamang sa alamang hindi ka talaga makakamove-on. Try to move on and let go dahil hindi lahat ay mananatili sa buhay mo dahil walang permanente dito sa mundo.
'NILUKO' masakit na sa puso masakit pa sa tenga. Ang sakit marinig na niluko ka. Pero kung may plano kang mag-revenge? Please lang wag mo nang ituloy. Don't take revenge, let karma slap his face really hard. Masakit ang maluko pero mali pa ring manakit ng tao dahil lang sa nagawa nila. Basta alam mong binigay mo ang best mo at hindi ikaw ang nagkulang, that's enough. Mahirap magpatawad pero bigyan mo lang ng panahon ang sarili mo na makalimot.
Isang babaeng naranasan yan lahat. Naranasan nyang mabigo sa pag-ibig sa unang pagkakataon. Ano ang dapat nyang gawin? Magrevenge o mag-move on? Abangan sa susunod na mga kabanata!?