The First Son (Chapter 2)

7227 Words
The First Son CHAPTER 2 Pabagsak niyang isinara ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Wala siyang pakialam kung ikinagulat iyon ng ilang PSG na noon ay nakatayo sa pasilyo ng kaniyang kuwarto. Humiga siya kaagad sa kaniyang kama na hindi nagpapalit ng damit o kahit nagtanggal ng sapatos. Pumikit at hinilot ang kumikirot niyang sintido kasunod ng pagpapakawala niya ng malalim na hininga. Madaling araw na kasi siya nakauwi at kanina nga ay maaga pa siya ginising ng Mommy niya para i-remind siyang kailangan niyang pumunta sa office ng Daddy niya tungkol sa naging usapan nila nang nakaraang araw. Pakiramdam nga niya hindi pa tuluyang nawawala ang pagkalasing niya. Ngayon lang naniningil ang alak sa pagpapakasasa niya dito kagabi. Pagbukas niya ng kaniyang mga mata ay kaagad niyang nakita ang litrato ng President eng Pilipinas niyang ama. Naglakbay ang kaniyag diwa. Kasabay iyon ng muli niyang pagpikit ng kaniyang mga mata. Hindi niya alam kung kanino siya maiinis at magagalit kasi napakalaki na ng ipingabago ng buhay niya, ng buhay nilang pamilya. May tinuturing nga siyang Daddy ngunit pakiramdam niya, nakikihati lang siya ng katiting na oras nito sa malaking porsiyentong panahon nito sa buong bansa. Magpasalamat na siya kung matapunan niya sila ng kakarampot nitong oras. Hindi niya alam kung paano natanggap ng dalawang ate niya at ng Mommy nila ang ganoong set up ng kanilang buhay. Maaring kinaiinggitan siya ng karamihan dahil galing siya sa kilalang angkan ng mga pulitiko. Oo nga't hindi niya naranasang dumaan sa kahit anong hirap ng buhay. Nang ipinanganak siya ay para na siyang Prinsipe dahil lahat ng kakailanganin niya o kahit mga ka-pritso lang ay madali sa kaniyang makamit. Ngunit hindi nila alam na hindi lang material na bagay ang nagpapasaya at nagpapakumpleto sa buhay ng isang tao. Higit niyang hinangad ang simple lang at madalas sanang buong pamilya. Simple lang naman din kung tutuusin ang kailangan niya bilang isang normal na bata, iyon ay ang maibalik ang kinasanayan niyang atensiyon at panahon ng kaniyang ama. Bata pa kasi siya nang huling nakasama niya ang Daddy niya tuwing may school activities. Musmos pa siya nang nakakasabay niya ang daddy niya sa pamamasyal, paglalaro at kahit simpleng panonood lang ng TV. Sinanay siyang naroon lagi ang daddy niya ngunit nagbago ang lahat nang naisipan nitong maglingkod sa bayan. Doon na nagsimulang nawala sa kanila ang dati ay buong oras at pagmamahal ng kaniyang Daddy. Nagkaroon nga ng tapat, responsable at mahusay na Pangulo ang Pilipinas ngunit kapalit naman no'n ang pagkawala ng kaniyang ama sa kanilang pamilya. Bumangon siya at umupo siya sa gilid ng kaniyang kama. Binuksan niya ang drawer at nakita niya doon ang kumpul-kumpol niyang mga medalya noong Elementary at High School siya. Huminga siya ng malalim. Isa-isa niya iyong pinagmasdan. Ni isa yata sa mga medalyang hawak niya ay hindi nagawang isabit ng daddy niya sa kaniya. Maraming mga pangakong napako. Maraming mga araw na umasa siyang darating ito at masabi ng daddy niya na proud na proud ito sa mga karangalang nakakamit niya. Ngunit walang Daddy na dumadating. Ang rason? Inagaw na siya ng tuluyan ng Pilipinas. Salat na salat na siya ng pagmamahal at ang pag-ibig na lang sa bayan ang pinakamahalaga sa isip at puso ng daddy niya. Muli niyang kinumpol ang mga medalya at ibinalik sa lagayan nito. Hinubad niya ang sapatos niya at itinabi iyon sa nakahilera pa niyang mga sapatos. Kumuha siya ng tuwalya ngunit napansin niya ang naka-frame na picture nilang pamilya sa taas ng kaniyang maliit na aparador. Hinawakan niya iyon at nag-init ang paligid ng kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang litrato. Noong Congresman at Senator ang Daddy niya, kahit papaano ay nakakabakasyon pa sila ngunit madalas na siyang hindi napapansin. Hinahanap niya kasi yung samahan nilang mag-anak noong simple pa ang kanilang buhay. Naging consistent honor student siya noon ngunit Mommy lang niya at mga kapatid ang nakapansin sa kaniyang katalinuhan, ang daddy niya madalas tulog na siya kung umuuwi ito at paggising niya sa umaga ay nagmamadali ding aalis dahil sa out of town engagements nito o kaya kung may mga sakuna at maraming kailangang tulungang tao. Daig pa nga niya yata ang pinagsama-samang sina superman, spiderman at batman kung magligtas ng kababayan ngunit sarili niyang mag-isang lalaking anak ay napababayaan. Kulang na nga lang yata na tumira siya sa Senado. Dahil mukhang wala namang mangyayari kung magiging ordinary intelligent student lang siya ay naisipan niyang sumama sa agos ng buhay ng ibang mga kabataan. Nagsasawa na kasi siya sa pagiging mabuting anak. Naboboring na siya sa buhay na school at bahay lang na madalas wala naman ang Mommy o Daddy niya na naabutan niya sa bahay dahil nga abala silang pagsilbihan ang bayan at hindi ang mismong pamilya nila. Ang resulta, noong High School na siya, napadalas ang pagsama-sama niya sa mga barkada. Kasabay ng pagtaas ng posisyon ng kaniyang ama ang pagkalihis naman ng kaniyang landas. Mabuti pa nga ang mga barkada niya dahil sa tuwing nagtetext o tumatawag siya na kailangan niya ng makakasama at mangako silang darating sila ay lagi silang naroon ngunit ang mismong Daddy at Mommy niya, kailangan mo pa yata ng appointment para harapin ka. Hanggang sa wala na siyang ganang pumasok pa sa school. Natuto na din siyang manigarilyo, uminom ng alak sa mga bar at umabot din sa sukdulang gumagamit na din sila ng droga. Noon lang siya napansin ng kaniyang Daddy. Noon lang niya nakuha ang atensiyon nito ngunit akala niya, daddy niya ang mag-aadjust para sa kaniya. Mabibigyan na siguro siya ng sapat na panahon para patinuin. Magigising ang Daddy niya sa katotohanang, paano niya mapapatakbo ang bansa kung ang mismong anak niya ay hindi kayang patinuin? Inilibot niya ang paningin sa kuwarto. Nakita niya ang mga isang malaking travelling bag. Naempake na pala nila ang mga damit niya para sa kaniyang immersion. Pagbibigyan niya ang Daddy niya kapalit ng muli niyang kalayaan. Wala namang bago, heto at para lang siyang tuyong dahon na sasama kung saan ang buga ng hangin. Hinaplos niya ang travelling bag. Muli siyang napaisip. Nagkamali siya na kung malaman ng Daddy niya na napapasama na siya sa maling barkada ay muli na niyang makukuha ang atensiyon nito. Hindi niya akalain na mas lalala lang pala ang sitwasyon. Tuluyan lang siyang inilayo samga magulang niya. Isinabay siya sa isa niyang ate na mag-aaral sa US. Doon na daw siya mag-aaral. Nangyari iyon dalawang taon bago tatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas ang kaniyang ama. Labag man sa kalooban niya ay wala din siyang nagawa. Pakiramdam niya ay inilayo siya dahil ayaw ng Daddy niya na madungisan ang pangalan niya dahil sa pagkakaroon niya ng anak na katulad niya. Pinag-aral siya sa US at pagkaraan ng ilang taon din, nang kasalukuyan na itong Pangulo ay saka siya pinabalik sa Pilipinas. Kung kailan siya nasanay sa bansang iyon ay saka naman siya ngayon pinababalik na parang ganoon lang sa kanilang diktahan ang buhay niya. Mahirap na sa kaniyang iwan ang US dahil doon na kasi niya naranasang maging malaya. Dahil walang nakakakilala sa kaniyang anak ng Pangulo ng Pilipinas maliban sa malalapit na kamag-anak at kaibigan ay nagagawa niyang maranasan ang mga bagay na malayong magawa niya sa bansang kinalakhan. Sa US, hindi din niya kailangang sumama sa Daddy niya at magmukhang anghel sa harap ng mga taong naghahanap ng ihuhusga o kapintasan sa kanilang pamilya. Hinubad niya ang suot niyang white longsleeve at pantalon. Tanging boxer short na lang ang iniwan niya sa kaniyang katawan. Tinungo niya ang banyo. Kailangan niyang maligo sa maligamgam na tubig. Napakislot siya dahil malamig na tubig ang unang tumama sa hubad niyang katawan ngunit dahan-dahan ding uminit ang ibinubuga ng shower. Habang sinasabon niya ang hubad na katawan ay naisip niyang hindi na siya karapat-dapat pang bahagi ng iginagalang na first family. Lalo lang kasi siyang nalugmok sa kasalanan kung maituturing nga bang kasalanan ang makipagniig sa mga lalaking nagugustuhan. Pinagmasdan niya ang katawan sa salamin. Guwapo siya, makinis, maputi at galing sa kilala at respetadong pamilya. Hindi mahirap para sa kaniya ang magpalit ng girlfriend.. Ilan na bang babae ang naikama niya para takasan lang ang kakaiba niyang nararamdaman noon dito sa Pilipinas kahit pa sabihing High School lang siya noon? Dala ng pagiging mabarkada noon ay hindi na nga yata niya mabilang ang mga babaeng nakatalik ngunit bigo pa din siyang mahanap ang totoong saya. Naroon pa din kasi ang pilit niyang nilalabanang pagnanasa. Kaya nga noong nasa US na siya ay nagkaroon na siya ng pagkakataong subukang pagbigyan ang hilig ng katawan. Kaklase niya noong college na siya si Bobby. Isang guwapo at marunong sa Tagalog na Filipino-American Citizen. Niyaya siya noon sa isang inuman sa kaniyang kuwarto. Wala ang ate niya kaya malaya nilang naipasok ang alak. Pinagbigyan niya si Bobby dahil sa totoo lang ay matagal na talaga siyang may crush dito. Hindi lang niya alam kung paano dumiskarte dahil nauunahan siya ng kaba at hiya nginit madalas siyang nahuhuli ni Bobby na nakatitig sa kaniya. Paniguradong alam na ni Bobby ang kaniyang kulay berdeng dugo. Nang nakaisang bote na sila ay biglang naghubad ng jersey si Bobby dahil naiinitan daw ito kahit malakas naman ang buga ng aircon. Tatayo sana siya noon para hinaan ang aircon ngunit hinawakan siya sa braso. Inilapit ni Bobby ang bibig nito sa kaniyang mukha. Nanginig siya. Nanlamig. Kinabahan sa kung ano ang susunod na mangyayari. "Wanna have fun?" bulong iyon ni Bobby sa kaniya at naamoy niya ang kahit amoy alak ay nangibabaw parin ang mabango nitong hininga. "What sort of fun?" garalgal niyang tanong. "SEX." Malinaw at nakakalibog ang pagkasabi no'n sabay nang halos magkadampi na ang kanilang mga labi. Nag-iinit na siya noon at bumibigay na ang natitira niyang lakas para pigilan ang sarili. Hindi na niya nagawang sumagot pa. Mainit ang naging halikan nila. Kumilos ang kanilang mga kamay para humarin ang kanilang mga suot sa katawan ngunit kahit abala ang at nagmamadali ang kanilang mga kamay ay hindi na tumigil ang kanilang mainit na halikan. Nangyari ang isang pagtatalik. Unang karanasan niya sa piling ng kapwa Adan. Ramdam niya yung kakaibang sarap. Sarap na malayo niyang nalasap sa mga babaeng naikama. Nandoon kasi yung kakaibang init. Yung buo ang loob habang ginagawa iyon at nang maabot niya ang rurok ng pagsinta ay noon na niya nakilala ng husto ang sarili. Isa siya sa mga bruskong lalaki na ang hanap ay tigasin ding lalaki. Ang minsang iyon ay naulit pa ng madalas hanggang sa nagustuhan na niya ang bagong mundo. Malaya siyang makipagkita o makipagsex kay Bobby. Walang takot na maaring makita siya ng ibang tao o kaya ng mga reporter sa TV o radio na siyang ikasisira ng pangalan ng kaniyang ama. Hanggang ang trip lang nilang s*x ay hindi na iyon ang hanap lang niya. Gusto na niyang malevel-up ang sa kanila ni Bobby. Mahal na mahal na kasi niya ito at ayaw niyang hanggang s*x na lang ang turingan nilang dalawa. Katulad din lang niya kasi si Bobby, guwapo, makinis at ang pinagusto niya ay ang lalaking lalaki nitong kilos at pananalita. Hinahanap na niya ang halik at galing sa pakikipagtalik ni Bobby. Unang karanasan kasi niya iyon sa parehong kasarian kaya akala sinisiguro na niyang, si Bobby na ang unang magiging formal niyang karelasyon. Ang lalaking una at kung maari ay huli na niyang mamahalin. Kaya nga nang dumalaw ito sa pad niya at hubad na silang dalawa para sa isang mainit na namang pagtatalik ay nagsabi siya ng kaniyang nararamdaman. Naisip niya kasing panahon na para malaman ni Bobby na gusto na niyang maging sila. Wala na siyang pakialam pa sa sasabihin ng ibang tao. "I love you Bob. Sana tayo na lang?" "Wait, what did you just say?" inilayo nito ang labi niya sa kaniya. Halatang nagulat sa narinig. Salubong ang kilay. "Sabi ko, mahal kita. Kung puwede lang sana nating gawing formal na yung pagigig tayo?" "Tayo? What the f**k dude! Walang tayo. Hindi kailanman naging tayo. I admit, the s*x that we often had was superb but it doesn't mean anything! Hindi kita kayang mahalin at di ako puwedeng patali sa iisa. I am still enjoying my youth dude!" sagot nito. Tumayo na siya mula sa pagkakadagan sa kaniya at kitang-kita pa niya ang tuluyang paglambot ng kanina ay galit na galit nitong p*********i. "So that's it? Kahit mahal na mahal na kita, we will just be a f*****g buddy hanggang magsawa tayo sa isa't isa? Ganoon lang ba ang gusto mong mangyari?"paglilinaw niya. "Not anymore dude. Ayaw kong nahahaluan ng emosyon ang ginagawa nating ganito. It will spoil all that we have. I tell you, when emotion comes in in this kind of relationship, I assure you that it will complicate everything. Kaya bago pa lumala ito, dapat nang tinatapos." Mabilis nitong isinuot ang boxer short at pantalon. "What? You can't do this to me dude! Kung ayaw mong maging tayo, fine, we can still be friends naman di ba?" hinawakan niya si Bobby sa braso. "No! We need to end this now! I already had a lot of this before at alam ko na ang kalalabasan nito. We will just be hurting each other. Ayaw kong may emotional attachement sa mga ganitong pinapasok ko. I supposed you also did enjoy our s*x and that's it. Hanggang do'n na lang tayo." Mabilis nitong isinuot ang t-shirt saka na nagmamadaling umalis. Naiwan siya noong napaluha sa sakit. Tama. Noon niya nalaman na kahit gaano kaguwapo, kayaman o kasikat ang isang tao ay mararanasan din pala niya ang rejection. Iyon ang nagmulat sa kaniya noon, na hindi lahat ay kaya niyang makuha. Na hindi dahil guwapo siya, mayaman at galing sa kilalang angkan ay may karapatan na siyang umiwas sa mga sakit na likha ng pagkabigo. Sinikap niyang ayusin ang lahat. Mahirap kasi wala siyang pamilyang dadamay sa kung anong pinagdadaanan niya. At kahit kasama pa niya ang Tito at Ate niya roon sa US ay hindi din naman niya masabi kung bakit siya nalulungkot at nasasaktan. Gusto niyang mapanatili sa isipan ng buo niyang pamilya ang pagiging isang tunay na lalaki at babaero. Sa tuwing ipinagtatabuyan siya ni Bobby ay lalong tumitindi yung sakit na likha ng pag-ibig. Nang iniyakan niya ito ay sinabi niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi na siya muli pang magmamahal. Hindi na niya hahayaan ang sariling mahulog pa sa pareho niyang kasarian. Kaya nang una, natuto siyang maglaro, makipagsabayan sa mga katulad ni Bobby. Ngunit nasa puso na niya si Bobby. Hindi siya nawawala sa kaniyang puso. Hindi lang niya alam kung hanggang kailan mananatili iyon pero alam niyang wala nang hihigit pa sa nararamdaman niya. Ilang luha din ang sinayang niya, ilang pakiusap din kay Bobby ang pinagdaanan niya. Kulang na lang ay magmakaawa siya para mahalin siya nito. Ramdam niya kasing nasaktan lang din noon si Bobby sa una din nitong karanasan sa pag-ibig sa isang Kano at natatakot siyang magmahal muli. Batid niyang ang yakap at halik ni Bobby sa kaniya ay sigurado siyang totoo iyon, alam niyang mahal din siya ng lalaking pinangarap niya. Hindi lang niya batid kung kailan tuluyang palayain ni Bobby iyon sa kaniyang puso ngunit handa siyang maghintay. Hindi kasi siya kayang tiiisin din nito. Nagkikita pa din sila pagkaraan ng ilang buwan na sinabi nitong tapusin na ang kanilang ugnayan. Iyon ang pinanghahawakan niya ngayon. Hihintayin niya ang pagkakataong iyon lalo pa't nagsabi din si Bobby noong paalis siya ng US na sana makaya pa niyang maghintay. Na sana magkikita pa silang muli at kung mangyari iyon, siguro nga ay silang dalawa ang itinadhana. Kaya siya babalik muli sa US para kay Bobby. Sa mga text at tawagan nila ay alam niyang mas lumaki na ang posibilidad na magiging sila. Gagawin niya ang immersion na ito para kay Bobby, para sa muli nilang pagkikita. Pinunasan niya ang basang katawan saka lumabas ng banyo. Kumuha ng boxer short at sando saka niya tinungo at binuksan ang ref sa kaniyang kuwarto. Kumuha siya ng isang softdrink at tinungga niya iyon. Pinulot niya ang nakakalat niyang cellphone sa kaniyang kama. Dumiretso siya sa bintana at doon ay tanaw niya ang hindi magkamayaw na mga tao sa kani-kanilang mga trabaho. Bumunot siya ng malalim na hininga. Tumunog ang cellphone na hawak niya. Si Faith ang nagtext. Nagtatanong kung magkikita pa ba sila bago siya bumiyahe mamayang gabi. Nag-isip muna siya. "I'll let you know baby." Tipid niyang reply. Hindi kasi niya alam kung ano ang plano ng Daddy niya. Kahit kasi gusto niyang kumontra pa sa kahilingan ng Daddy niya ay minabuti na lang nitong sundin ang gusto para matapos na at malaya na muli siyang bumalik sa US. Namimiss na kasi niya si Bobby. Isa pa, hinding-hindi niya kasi dito magagawa ang mga nagagawa niya doon at kung tatagal pa siya sa Pilipinas ay maaring darating ang araw na puputok ang balita tungkol sa itinatago niyang pagkasino. Mag-aanim na buwan na ding girlfriend niya si Faith. Dahil ayaw niya sa mga pamilya ng pulitiko ay si Faith na anak ng kilalang businessman ang pinili niya. Tumagal sila ni Faith dahil kailangan niya ng babaeng kasamang lumabas at maglasing sa bar para makaiwas siya sa tukso ng laman. Nagpipigil siya para hindi na madagdagan pa ang kahihiyang ibibigay niya sa kanilang pamilya. Mahirap magtago, mahirap supilin ang talagang gusto ngunit kung para iyon sa pamilya niya ay kaya niyang tiisin. Isa pa, umiiwas na din naman siyang magmahal ng lalaki dito sa Pilipinas. Iniwan na niya ang puso niya sa US. May mga barkada din siyang mga anak ng pulitiko at wala silang naaamoy sa kaniyang pagkatao. Marunong kasi siyang magtago at wala sa isip niya ang magladlad o kaya kumilos bilang isang bakla. Masaya siya sa kilos at pananalita niya. Hindi ni minsan sumagi sa isip niyang magpakalambot katulad ng kung anong puso meron siya. Tumayo siya at bumalik sa kama. Inaantok pa kasi siya at mamayang gabi pa naman ang biyahe niya papunta sa kung saan muna siya ipapatapon. Mahaba pa ang oras para makapagpahinga siya. Sasamantalahin na muna niya iyon. Nakatulog siyang si Bobby ang naglalaro sa kaniyang isipan. Kinagabihan ay dumating na si Justine para sunduin si Liam. "Hindi puwede yung suot mo sir. Baka puwede kang magpalit ng mas simple, mas mainam kung may sombrero kayo para hindi kayo makilala." Puna agad ni Justine nang tumambad sa kaniya si Liam na nakatodo-porma. "Naks! Pati isusuot ko kailangan mong pakialaman? Dad, kung gusto niyang magiging maayos ang pakikitungo ko sa kaniya, baka puwedeng bawas-bawasan niya ang pangingialam." Mabigat na tinuran ni Liam sa Daddy niya na katabi ang Mommy nito. "Do whatever he asked you to do. Sinabi ko na sa'yo, siya ang dapat mong pakisamahan, hindi siya ang dapat makisama sa'yo." "Gano'n? Sige, bigyan mo ako ng isang mabigat na dahilan Mr. Sandoval kung bakit hindi puwede ang suot ko." Huminga si Justine ng malalim. Mukhang may katigasan talaga ng ulo ang isang ito. Naisip niya. Ngunit kailangan niya manatili sa kung saan lang siya. Dapat manaig ang respeto sa anak ng Presidente. "For security reason, hindi puwedeng makikilala ka. Mas simple, mas hindi ka pag-iisipang anak ng Presidente. Wala tayong kasamang PSG sir para iligtas ka kung may magtatangka sa buhay mo. Tayong dalawa lang ho ang magkasama. Hindi po sosyalang pagtitipon ang pupuntahan natin kundi probinsiya at baryong malayo sa kabihasnan. Okey na ho yung simpleng t-shirt at jacket para hindi kayo mamaya giginawin at maong na pantalon na babagayan ninyo ng sumbrero at rubber shoes." "So, ibig sabihin pati ang mga susuotin ko ngayon ay kailangang ikaw na din ang magdedesisyon?" umiiling si Liam at halatang hindi kumbinsido sa pinagagawa sa kaniya. Tumingin sa Daddy at Mommy niya, umaasa siya ng kanilang suporta ngunit, tigang. "Anak, mas magandang sundin mo na lang ang gusto ni Mr. Sandoval." Pakiusap ng Mommy niya. Hihirit pa sana siya ngunit iba na ang tingin ng Daddy niya sa kaniya. Ibinagsak niya ang hawak niyang bag saka siya tumalikod. Pumasok siya sa kaniyang kuwarto at nagpalit. Sinunod niya ang gusto ni Justine na isusuot niya ngunit hindi ang jacket. Sinong sira-ulong magdadala ng jacket sa summer? "Hindi ninyo ako ihahatid?" tanong ni Liam nang niyakap siya ng Mommy at Daddy niya. Nasa ibang bansa ang dalawang ate niya para tapusin ang kanilang masteral degree. "No, anak. Paglabas mo ng Malakanyang. Isa ka nang ganap na ordinaryong mamamayan. Hindi puwedeng makakuha tayo ng public attention para sa kaligtasan mo. Wala kang kasamang PSG na magbabantay sa'yo kaya dapat magiging lihim lang ang immersion mong ito. Kung sana pumayag ka sa usapang magkaroon ng tatlong sasamang PSG sa'yo, sana puwede ka pa naming samahan ng Mommy mo pero dahil tinanggihan mo iyon ay kailangan nating mag-ingat anak." paliwanag ng Daddy niya. "I just can't understand why I really have to do this!" naiirita niyang sagot sa sinabi ng Daddy niya. Pakiramdam niya kasi pinaparusahan siya kaya ipinapatapon sa kung saan. Ngayon lang niya mararanasan ang buhay probinsiya. Ni wala siyang idea kung paano mabuhay malayo sa nakasanayan niyang marangya at magaang pamumuhay. Sumakay sila ng taxi papuntang Cubao at hindi pa din naaalis ang kaniyang pagkakasimangot. Nang mga sandaling iyon ay sadyang malayo ang tinatakbo ng kaniyang isip. Siguradong mahihirapan siya ngunit wala siyang balak magtagal doon sa probinsiya. Muling pumasok sa isip niya ang sinabi ng Daddy niya, si Justine at ang mga magsasakang dadatnan nila ang magbibigay sa kaniya ng final assessment report. Kung ganoon, kailangan niyang pakisamahan si Justine. Kailangan niyang kaibiganin ito para mas mapabilis ang pamamalagi niya doon. Tama. Bakit nga ba hindi niya iyon naisip? Nilingon niya si Justine na noon ay panay ang tingin sa paligid. Mula pagsakay nila ay hindi na ito mapakali na para bang lahat ng tumatabing sasakyan o kaya mga sumusunod sa kanilang mga sasakyan ay hindi nakakaligtas sa kaniyang paningin. Kinutuban siya, hindi kaya PSG din itong ipinasama sa kaniya ng Daddy niya? Kung nagkataon na hindi tumupad ang Daddy niya sa usapan, maaring mapawalang bisa ang lahat ng ito at uuwi siya sa Malakanyang. Nakaupo siya sa kanang bahagi ni Justine at nang tumingin ito sa kanang bintana at sinadya nitong titigan ay parang hindi man lang siya nakita o napansin. Tumagos ang mga tingin nito sa kaniya kahit pa pinilit niyang ngumiti para mabuo na niya ang pekeng pakikipagkaibigan. Makuha lang niya ang gusto, tapos na din ang palabas niya dito. Ngunit sa ginawa niyang pagtitig sa nakaharap sa kaniyang si Justine ay siya ang may napansin. Malakas din pala ang dating ng mukha ng isang ito. May kung anong appeal siyang... hindi... malayong magkakagusto siya sa presko at akala mo kung sinong nagmamarunong na isang ito. Sa dami ng nakilala niya at nakasex na mas guwapo, mas maganda ang pangangatawan at ma-appeal ay hindi siya muli pang nahulog. Kay Bobby lang siya at hindi na siya muli pang magmamahal. Inapuhap niya ang bulsa niya. Naglabas siya ng candy saka niya unang inalok ang palinga-lingang si Justine. "Okey lang ako sir. Salamat na lang ho." "Tinatanggihan mo e, candy lang ito?" Hindi siya sanay na tinatanggihan kapag may inaalok. Walang puwedeng tumanggi sa kaniya maliban kay Bobby. Sinamahan na niya iyon ng isang matamis na ngiti. "Salamat na lang talaga, sir. Ayos lang ho ako." seryoso pa din nitong pagtanggi. Mahihirapan nga yata siyang makaibigan ito. Naramdaman niya ang pagvibrate ng kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon. Binunot niya iyon. Si Faith ang tumatawag. Nakalimutan nga pala niyang itext ito. "Hello Faith baby, malapit na kami sa Cubao and from there baby, sasakay na kami ng Bus papuntang probinsiya. I'm sorry I forgot to inform you baby." Nilakasan nito ang pagpaparinig sa salitang BABY. Gusto niyang ipaalam sa Justine na ito na lalaking-lalaki siya at may girlfriend. Ngunit parang wala lang itong narinig. "So, hindi man lang kita makikita bago ka ipatapon sa probinsiya?" "Malapit na kami sa Cubao baby, e. So, mukhang malabo na nga but don't worry, sandali lang ang isang buwan, ikaw ang una kong pupuntahan pagbalik ko dito sa Manila baby." "Okey then, promise me that when you get there, tawagan mo ako o i-text mo ako ng madalas ha?" "Promise baby!" "Asahan ko 'yan. I love you baby. Ngayon palang namimiss na kita. Bye." "I love you too baby and I miss you too baby. Bye baby." Nilakasan niyang sinabi iyon baka mapansin na din siya ni Justine. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti ni Justine ngunit iniharap niya sa kaliwang bintana ang kaniyang mukha. "Nine." Pabulong iyon sabay ng pasimpleng pagtakip ni Justine sa kaniyang bibig. "Nine? What nine? At bakit ka ba natatawa?" "Paborito ba ninyong sabihin ang salitang baby sir? Nine times kasi ninyong binanggit iyon saka bingi ba talaga ang girlfriend ninyo? Halos sumisigaw na kayo e, kung hindi ko lang kayo kilala baka isipin kong nagyayabang kayong kausap ninyo ang girlfriend ninyo." Natigilan siya. Siya yung napangiti. Matalino nga talaga ang isang ito. Ngayon alam na niya kung bakit siya ang pinili ng Daddy niya na ipasama sa kaniya. Mukhang mali yata siya sa first impression niya dito. Paano kaya niya ito mauutakan kapag nasa probinsiya na sila. Ano kaya ang kahinaan niya? Ano ang puwedeng magpalambot sa kaniyang puso para kahit 2 weeks palang sila doon ay maipasa na niya ang evaluation sa kaniya? Kahit nag-usap na sila ni Bobby kagabi ay nagtext pa din siya para sabihing mawawala siyang kulang-kulang isang buwan para babalikan na niya sa US. Mukha kasing panay na ang paramdam ni Bobby sa kaniya. Alam niyang hinahanap na siya ni Bobby. Tama ang hinala niya, mamahalin din siya ni Bobby kung maramdaman nitong wala na siya sa tabi niya. Kaya lang, babalik siya, babalikan niya si Bobby at formal na nilang sisimulan ang kanilang relasyon. Pagdating nila sa Florida Bus Station ay mabilis silang sinalubong ng isang babae. She looks elegant, sophisticated, gorgeous lady. Mabilis silang nagyakap ni Justine ngunit sandali lang iyon dahil pagkatapos may ibinulong ito sa babae ay saka naman tumingin at nagbigay pugay ang maganda at seksing babae sa kaniya. "Sir Liam, this is my fiancée Janna. Janna, you know who he is, right?" "Glad to meet you po, Sir Liam." Nahihiyang inilahad ni Janna ang kaniyang kamay na mabilis naman niyang inabot. "Same here." Maikli niyang sagot. May fiancée na pala siya. Ang pinagyayabangan niya kanina ng girlfriend ay may fiancée na. Nagkaroon ng ilangan sa pagitan nilang tatlo. Wala silang maisip na pag-uusapan. "So, paano Hon, we really have to go. I can't promise to text or call you kasi alam ko mahirap ang signal doon pero I'll try my best okey?" "I understand. Mabuti nga pinayagan mo pa akong makita kita kahit sandali lang bago ka aalis." "Of course. Hindi din naman ako puwedeng umalis na hindi kita makita muna. Bye na muna at mamimiss kita." Kasunod iyon ng paghila niya sa baywang ni Janna at ang paglapat ng kanilang mga labi nang mabilisan. Muli silang nagyakap saka hinawakan ni Justine ang palad ni Janna. Nakita niyang parang walang gustong bumitaw. Sana katulad na lang siya ni Justine. Sana ipinanganak na lang siyang straight. Siguro hindi nagiging ganito kakumplikado sana ang buhay niya. Ano kaya ang pakiramdam ng may mahal ka at mahal ka din ng mahal mo. Yung hindi lang s*x ang dahilan kaya kayo magkatabing matulog sa gabi o kaya pagkatapos ng s*x, magdadamit at maghihiwalay na na parang inilabas lang ninyo ang init ng katawan. "Let's go sir." Napakislot siya nang marinig niya iyon galing kay Justine. Malayo na naman kasi ang iniisip niya. Bumunot siya ng malalim na hininga. Pinauna siya ni Justine sa paglalakad pagkatapos nilang magpaalam kay Janna. Mabilis niyang pinili ang upuang nasa tapat ng bintana. Nang inilalagay ni Justine ang kanilang bagahe sa compartment sa taas ng kanilang inuupuan ay naitaas ang polo shirt nito at makapal na jacket kaya tumambad sa kaniya nang malapitan ang bahaging iyon ng katawan na kinahuhumalingan niya sa lalaki. Taglay ni Justine ang katawang iyon. May kung anong kakaibang naramdaman siya ngunit minabuti niyang supilin iyon habang maaga pa. Ngayon lang siya sasakay ng public bus at inaamin niya, mukhang pahirap ito sa kaniya. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa iba pang pasahero na kumakain ng kung anu-ano na siyang lalong nagpatindi sa hindi niya nagugustuhang amoy sa loob ng bus. "Sir, ako diyan sa bintana at kayo dito sa isle." "Dito ang gusto ko e. Diyan ka na sa isle." "Hindi porke gusto ninyo sir, iyon ang masusunod. Doon ho kayo sa mas ligtas. Kung gusto ninyong madali ang lahat sa atin, ngayon palang kailangan ko na ang cooperation ninyo." Huminga siya ng malalim. "Okey! Panalo ka na naman." Medyo inis na tinuran niya. Tumayo siya at nagbigay ng daan sa pagpasok ni Justine. Nang tumapat ang bahaging iyon sa harap ni Justine sa mismong puwitan niya ay naramdaman niya ang bumundol na iyon at di niya napigilan ang sariling mapalunok. Tuloy ay para siyang estatwang nakatayo lang doon kahit kanina pa nakaupo si Justine. "Sir, maupo na kayo at aalis na ang bus." Wala sa sariling sumunod si Liam. Inilayo niya ang braso niya sa braso ni Justine. Ayaw na niyang madikit pa ang katawan niya dito. Hindi kasi magandang pangitain ang mga nangyayari. Hindi puwede at hindi siya makapapayag. "Ang biyahe natin sir ay maaring tatagal ng labindalawa hanggang labin-apat na oras. Umaga na ang dating natin sa Tuguegarao City and from there, sasakay naman tayo ng jeep at maglalakad ng may kalayuan bago marating ang ating destinasyon. Kaya kung ako sa inyo, kailangan ninyong matulog para may lakas kayo bukas." "Ano? Gano'n kalayo ang lugar na pupuntahan natin?" napakamot pa siya. Hindi pa sila nakakaalis e, gusto na niyang sumuko dahil medyo may nararamdaman na talaga siyang kakaiba. May umakyat na mga nagtitinda ng mineral water, candy, chicharon at mga prutas. Nag-aalok ang mga ito sa bawat pasahero. Bumili siya ng mineral water. Nang tumapat ang nagtitinda ng chicaharon at candy sa kanila ay sumenyas si Justine. "Hindi siya bibili, manong." Inunahan na ni Liam. "Bibili ako manong, dalawa chicharon at sampung pisong candy sa'yo brad." Pangontrang wika ni Justine. "Dalawa chicharon? Kita mong ambaho na ng aircon dahil sa sari-saring amoy makikidagdag ka pa?" "Gawin mo na palang tatlo manong at damihan mo ng suka ha?" "What the f**k is this Justine! Patay gutom?" Hindi sumagot si Justine ngunit halatang nang-aasar lang. Nang inabot ang binili niya at nang sinadya talaga niyang sobrang bayad ay nagsimula na siyang kumain ng paborito niyang pagkain sa tuwing nagbibiyahe. "Oh, heto yung isa sir, mukha kasing gusto mo din e. Nahihiya ka lang." "What made you think na kumakain ako niyan?" "Napapalunok ka kaya." "Napapalunok? Nakikita mo ba ang mukhang ito? Nababanas ako sa amoy ng suka." Luminga ito at nakita niyang may isang bakante pang upuan sa dulo. Tumayo siya. "Opps saan ka pupunta?" hinawakan ni Justine ang braso niya. Kakaiba ang init ng palad ni Justine. Para siyang nadadarang. "You and your chicharon will stay here at doon ako sa hindi ko maamoy yang pinagsasawsawan mo ng pagkain mo." Napipikon siya ngunit napalunok habang tinitignan niya ang kamay ni Justine sa kaniyang braso. "Hindi puwede sir. Dito lang kayo." "Bitiwan mo nga ako. I just decided na lumipat ng mauupuan at please, kahit ngayon lang din na ako nag masusunod." "Okey." Kibit-balikat na sagot ni Justine ngunit tumayo din siya. Nang makarating si Liam sa lilipatan niya ay mas naunahan pa siya ni Justine sa pag-upo sa bahaging bintana ng bus. Lalong nagpupuyos na sa galit si Liam. "Nakakaintindi ka ba? Sabi ko, ayaw ko ng amoy ng kinakain mo kaya nga ako na lang ang lumipat para ma-enjoy mo yang chicharon mo tapos bubuntot-buntot ka parin dala 'yang binili mong....ahhhh! Sarap mong tirisin!" "Ito bang problema? O sige e, di huwag kumain. Basta di kayo puwedeng malayo sa akin." Inilagay ni Justine sa plastic bag ang nabuksan na niyang chicharon. Bumuntong hininga ito. Umupo na din si Liam ngunit nadinig niya ang buntong-hininga ni Justine. "Masama yatang loob mong hindi makakain ng chicharon e. Para kang bata!" "Bata? Sino kayang asal bata sa atin? Chicharon lang ayaw mo akong payagang kumain dahil ayaw mo ng amoy nito? Anong kaartehan 'yun?" Ngunit hindi lang si Justine ang bumili niyon. Ang kaharap nila, katapat ng upuan ay sarap na sarap ding kumakain. Yumuko siya at pinigilan ang sariling mainis. Ilang minuto pa ay tumindi na ang nararamdaman niyang pagkahilo. Hinawakan niya ang sikmura niya. Kahit sobrang lamig na ang buga ng aircon ay pinagpawisan siya sa hindi niya maintindihang pakiramdam. Hanggang sa alam niyang may lalabas na. Nasusuka na siya sa pagkahilo at sari-saring amoy sa loob ng bus. "Nasusuka ako." bulong niya kay Justine na nakapikit sa tabi niya. "Ano? Nahihilo ka ba sir?" Tumango lang siya. Nasa lalamunan na niya kasi iyon ngunit pinipigilan lang niyang lumabas. Mabilis na tinanggal ni Justine ang mga chicharon sa plastric at iniabot sa kaniya. "Dito, dito mo na lang isuka 'yan sir. Kailangan mong ilabas 'yan para mas gagaan ang pakiramdam mo." Pagkaabot na pagkaabot ni Justine ang plastic kay Liam ay agad nang sumuka doon ang huli. Kitang-kita ni Justine ang hirap ni Liam. Naisip niyang sana lang kayanin pa ng isang anak mayaman ang mabuhay sa mundo nilang mahihirap. Alam niyang mahihirapan ito ngunit iyon lang ang paraan para lumapat sa lupa ang nakaaangat nitong talampakan. Pinisil niya ang tiyan ni Liam saka niya marahang hinaplos ang likod nito. Hindi niya puwedeng panoorin na lang ang First Son dahil nasa kaniyang kamay ang kaligtasan ng buhay nito, sa panganib man o sa kalusugan. Huminto ang bus. May dalawang lalaki ang sumakay. Pumuwesto ang isa sa likod nila at ang isa ay sa harap. Muli niyang hinaplos ang likod ni Liam saka siya bumulong. "Okey ka na?" tanong nito. Tumango si Liam. Hinugot nito ang panyo sa bulsa at pinunasan ang bibig. Tinali ang plastic na may lamang dumi galing sa bibig niya at hindi niya alam kung saan niya iyon ilalagay o itatapon. "Akin na 'yan sir, nang maitabi na muna at kapag may bus stop ay saka na lang natin itatapon." "Huwag na, ako na ang bahala dito, nakakahiya namang pati dumi ko ikaw ang magtatabi." Namumungay ngunit namumula ang mga mata ni Liam nang tumingin kay Justine. Sumandal sa upuan at pumikit. "Inumin mo muna 'to para mabawasan ang pagkahilo mo." Inabot ni Justine ang dala niyang kontra hilong gamot. Dumilat ang nahihilo pa ding si Liam. Nakita niya ang maliit na tablet sa palad ni Justine. Huminga ng malalim si Liam. Kinuha niya ang gamot at binuksan na din ni Justine ang bote ng mineral water para kaagad makainom si Liam pagkasubo niya sa gamot. Muling ibinalik ni Liam ang mineral water kay Justine at humalukipkip. Malayo-layo na din ang itinakbo ng bus na sinakyan nila. Wala na ang liwanag ng mga bahay sa labas. Madilim na at nasa palayan na sila sa bahaging Nueva Ecija. Malamig na ang buga ng aircon. Ibang lamig kaya lahat naka-jacket na. Hindi na napigilan ni Liam ang sariling iparamdam kay Justine ang sumunod niyang pinagdadaanan. Sana makuha ito sa pagpaaparamdam. Ini-adjust ni Justine ang lagusan ng aircon sa kanilang kinauupuan para hindi tatama kay Liam. Napansin niya kasing giniginaw ito. "Di ba sabi ko, magdala ka ng jacket? May jacket ka ba sa bagahe mo sir?" tanong niya. "Wala nga, bakit ako magdadala e, summer nga." "Hindi kasi masamang makinig ka sa mga sinasabi ko. Oh ano ngayon, di giginawin kayo niyan." "Don't act as my father. Kaya ko ang sarili ko." Muli siyang pumikit ngunit iba talaga ang buga ng aircon sa bus. Daman-dama na niya ang ginaw at nanginginig na siya pero pinipilit niyang labanan iyon. Hindi puwedeng mahalata iyon ni Justine. Itulog na lang niya ang ginaw na iyon para hindi niya gaanong maramdaman pa. Ngunit tinapik siya ni Justine sa balikat. "Padaan ako, sir." pabulong iyon. Hindi siya dumilat ngunit binigyan niya ng sapat na espasyo si Justine para makadaan. Mas makakaramdam kasi siya ng hilo kung ibubukas pa niya ang kaniyang mga mata. Hanggang sa muli niyang naramdaman ang muling pagdaan ni Justine sa harap niya. Nang mga sandaling nakabalik na sa upuan si Justine ay muli niyang pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Liam. Kung pagmamasdan kasi ito, napakainosente ng hitsura. Saka lang nagbabago ang tingin ng kahit sino pagbukas ng kaniyang bibig at kung kumilos na. Matalim ang mga salita at magaspang ang kilos ngunit ano kaya ang nakatagong pagkatao sa likod ng ipinapakita niyang iyon? Gusto niyang maintindihan sana siya para mas madali niya itong pakisamahan ngunit nag-aalangan siyang makipagkuwentuhan dahil baka mapapahiya lang siya. Isa pa, ano naman ang pagkukuwentuhan nila e, magkalayong-magkalayo ang mundong kinalakhan nila. Saka nararamdaman niyang walang interes si Liam na kakuwentuhan siya. Hindi niya alam kung ang jacket na suot niya ang ibibigay niya o ang malaking tuwalya niya na kinuha niya sa kaniyang backpack para may pangharang si Liam sa lamig. Hindi nga pala puwede ang jacket kasi naroon ang itinatago niyang sandata. May kalakihan ang tuwalya at sa tingin niya iyon na lamang ang gamitin niyang pangkumot sa giniginaw na binata. Dahan-dahan niya iyong ipinatong at dahil sa ginawa niyang iyon ay binuksan ni Liam ang mga mata at napatitig siya dito. Sandaling silang nagkatitigan. "Giniginaw ka kasi sir kaya naisipan kung kumutan na lang kita ng tuwalya." Nang aayusin na nito ang tuwalya para ibalot sa kaniyang katawan ay nahawakan nito ang palad niya sa bahaging balikat ni Liam. Muling nagtagpo ang kanilang mga mata ngunit siya ang unang nag-iwas ng tingin. Sa pagkakataong iyon ay pinili niyang matalo sa titigan. May kakaiba kasing dating ang titig na iyon ni Liam sa kaniya. "Salamat." Hawak pa din nito ang kamay niya. "Welcome sir." Nahihiya niyang sagot sabay hila sa hawak-hawak pa din ni Liam na kamay niya. "Sorry sa pagkakahawak ko sa kamay mo." "Okey lang sir. Wala 'yun." Sagot niya. Umayos siya ng upo. Tumingin siya sa bintana. Kitang-kita niya ang repleksiyon ni Liam na kalingon pa din sa kaniya. "May sasabihin ka ba sir? May kailangan ka pa?" tanong nito nang makitang kahit iniiwas na niya ang tingin niya ay panay pa din ang sulyap nito sa kaniya. "Ha? Kailangan? Ako, may kailangan?" natatarantang sagot ni Liam. "Panay kasi ang sulyap ninyo kaya kako baka may gusto kayong sabihin at nahihiya lang kayong magsabi." "Ako? Sumusulyap sa'yo? Hindi. Bakit mo naman nasabing sinusulyapan kita?" "Nakikita ko yung repleksiyon ninyo sa bintana. Panay ang tingin ninyo sa akin?" Natawa si Liam sa sinabi niya. "Talaga lang ha. You think sa'yo talaga ako tumitingin? Tinitignan ko lang ang dinadaanan natin sa bintana. Masyado ka naman yatang feeling." Mahina ang pagkakasabi ng feeling ngunit dinig na dinig niya iyon. "Ako pa ngayon ang feeling e, ako na itong nagmamagandang loob na magtanong kung may kailangan kayo sir. Baka nahihilo kayo o ginaginaw pa din o nagugutom. Paano naman ako biglang naging feeling sa lagay na 'yun?" "Iba ang dating sa akin ng sinabi mong panay ang lingon ko sa'yo. I just felt that you indirectly telling me na may gusto ako sa'yo." "Ha? Anlayo naman yata ng assumption ninyo sa sinabi ko? Unang-una, hindi sumagi sa isip ko ho na may gusto kayo sa akin dahil lalaking-lalaki kayo at may girlfriend, di ba nga baby pa ang tawagan ninyo at kahit ho siguro magkagusto kayo sa akin, hindi ho ako papatol sa kapwa ko lalaki. Sa ganda ng fiancée ko, ipagpapalit ko siya sa katulad ko ng kasarian? Hindi mangyayari yun sir. Pero sandali, bakit nga ba iyon ang unang pumasok sa isip ninyo?" Napalunok si Liam. Bubukuhin pa yata siya ng isang ito samantalang lahat na ay ginawa niya para maitago ang totoong siya kapag nasa Pilipinas siya at wala siyang balak mag-come-out kay Justine. "Well, ngayon palang magkalinawagan na tayo Mr. Sandoval. Lalaki ako at hindi ako papatol sa katulad ko ding lalaki. Lalong-lalo na kung sa kagaya mo lang." namumula nitong sinabi sa kaniya. Tumayo na siya. "This will never work Mr. Sandoval. Siguro mas mainam na maghiwalay tayo ng upuan. We can never be friends!" Tatayo na sana siya ngunit mabilis na hinawakan ni Justine ang braso niya. Pinipigilan siya nito. "Sir, huwag ka nang lilipat. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Hindi ka ba nahihiya? Baka isipin nilang may relasyon tayo at panay ang away. Hindi kasi normal itong pinapakita nating ito sa kanila. Ang tunay na brusko, uupo, sasandal at pipikit. Bababa sa bus stop. Iihi o kaya kakain, puwede ding magyosi ta's babalik sa bus sa mismong upuan nito at tahimik muli siyang uupo at iidlip. Hindi yung ganitong lilipat ang isa ng upuan, susunod yung isa, magtatalo ta's lilipat uli at susunod muli ang isa. Sa tingin mo, anong iisipin nila sa atin? Please, sir kung ayaw mong pag-isipan nila tayong gano'n just take your seat and sleep. Gigisingin na lang kita kung makarating tayo sa unang stop over natin." Mahabang paliwanag ni Justine. "No, I just can't seat beside you. Naisip mo pa lang pag-iisipan tayo ng gano'n e, bakit kailangan mo pa kasing susunod-sunod kung saan ko gustong umupo. Saka, isa na lang ang bakante, nanaisin ko pang makatabi ang di ko kilala kaysa sa'yong wala na yatang pag-asa pang makakasundo ko. Kaya please, dito ka lang!" Dumiin ang hawak ni Justine sa braso niya. Hindi siya papayag. Kung lilipat ng upuan si Liam doon sa bakanteng upuan at may mangyari, mas mahihirapan na siyang maproteksiyunan ito. "Bitiwan mo nga ako!" singhal nito. Pabulong. Tulog na ang ilan sa mga pasahero ngunit ang lalaking nasa likod nila ay gising na gising pa. "Please sir. Hindi na ako magsasalita. Wala kang maririnig sa akin. Basta umupo ka na lang at ituloy ang pag-idlip mo." Pakiusap ni Justine. Sinubukan niyang makuha ito sa mukhang nakikiusap. Kulang na lang lumuhod siya. Naisip niyang napaka-immature nga nito. Well, bata pa naman siya kumpara sa edad niya kaya siya ang dapat mag-adjust para dito. Muling umupo si Liam. Lumuwag ang paghinga ni Justine. Sa wakas napakiusapan din niya ang may katigasan ng ulong binabantayan. Itataas na sana ni Liam ang tuwalya para muling maidlip nang tumayo ang isang lalaki sa unahan ng bus at ang isa pa sa kaniyang likod. Napakislot siya nang hinawakan ng nakatayo na sa tapat niya ang kaniyang braso at nakatutok ang baril sa kaniyang sintido. Nanlaki ang mga mata ni Justine sa kaniyang nakita. Kailangan niya ng bilis ng isip at kilos para mapagplanuhan ang susunod niyang gagawin. Ito na ang kinatatakutan niya kanina pa. Nangyayari na nga at kitang-kita niya sa mukha ni Liam ang takot at pagkabahala. Siya man ay sandaling kinilabutan sa maaring mangyari dahil isang pagkakamali lang nila ni Liam ay sasabog ang ulo ng huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD