CHAPTER 23 "Hindi! Liam mali ang pagkakaintindi mo. Mahal na kita bago ka pa minahal ni kuya Justine. Kaya lang paano ko sasabihin kung nasa taas ka at nasa baba ako. Madali sa'yong magtapat sa kagaya naming mahirap ngunit hindi gano'n kadali para sa aming mga nakatapak sa lupa. Imposibleng magtagpo tayo sa gitna bilang tayo. Masaya na sana ako sa pagiging matalik mo lang na kaibigan. Kaya lang may nangyari. May ginawa kang sana di ako pumayag. Liam lalo kitang minahal mula nang nangyaring iyon sa atin. Lalong nagwala yung nararamdaman ko!" "Nangyari? Anong nangyari? Linawin mo kasi kinakabahan ako sa sinasabi mong may nangyari sa atin?" Biglang sa isang iglap ay pumasok kay Liam ang isang madaling araw na iyon nang lasing siya. "Hindi! Sabihin mong hindi ikaw 'yon! Borj, hindi ikaw 'yo

