CHAPTER 16 "Bakit mo hindi mo sabihin sa kaniya kung ano ako sa'yo Liam? Bakit hindi mo ipamukha diyan sa espasol na 'yan kung ano ako sa puso mo!" tuwid ang pagkakatitig niya kay Bobby. Lahat ng naipong sakit, mga pinipigilan niyang iba't ibang emosyon at lahat ng pagseselos ay bigla na lang sumambulat at wala na siyang lakas pang pigilan ang sarili. "Oh my God! Are you two having an affair? Liam sumagot ka!" Huminga ng malalim si Liam. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Bakit hindi di ka makasagot? May relasyon ba kayo?" "Di ako makasagot dahil nalilito ako sa isasagot ko sa tanong mo." "Anong nakakalito sa pagsagot lang ng meron o wala?" "Kung relasyon ang tinatanong mo, wala kaming relasyon ni Justine, Bob. Walang kami ngunit inaamin kong may mga nangyari sa amin noong

