HER POV
"Saan mo ako dadalhin?" nanggagalaiti niyang tanong kay Franz na kahit nasa daan at manobela na ang toon ay umiigting pa rin ang panga nito.
He had been kissed savagely by his stepbrother awhile ago.Dapat nga ay matuwa siya dahil sa wakas natikman niya na ang tamis ng labi ng inaasam-asam niyang secret crush sa matagal na panahon.Pero hindi ang sakit-sakit sa dibdib at isipan niya na malaman na kaya lang siya hinalikan ni Franz upang parusahan siya.Mabuti na lang sana ay pinalo na lang siya nito.
"Sa langit my dearest little vixen,"pang-uuyam pa nito sa kanya.
"For pete sake, kuya, saan mo nga ako dadalhin?ibaba muna ako kung hindi isusumbong kita kay daddy!" pananakot niya pa.
"Shut up, you brat girl, for your info, mom and dad had leave the country just this afternoon for a three-month vacation in France, they had surrendered you to me, kung hindi ka nila madidisiplina ako ang gagawa," mariin nitong sabi.
"Bakit hindi ko alam?Bakit lage ninyo na lang ako pinagkakaisahan, ang daya n'yo!" paghihisterya niya.
"Because you are always out, kailan ka ba nakakausap ng matino? Did you ever talk to mom and dad?ang gusto mo ang laging nasusunod kagaya na lang ng pagwawala mo ngayon, mas gugustuhin mo pang mabastos sa kaarawan mo kaysa magkaroon ng debu party!" pag-aakusa pa nito sa kanya na hindi man lang siya tiningnan.
"That's not true, I just ...wanted to be happy on my birthday... and for some reason I chose to be with my friends and party like this because... wala ka," sa wakas ay naisatinig niya na rin ang gusto niyang ipabatid kay Franz.
"Really at paano naman ako nasali sa mga stupido mong mga alibi, sige nga, my little brat step-sister?" bigla itong binaling ang tingin sa kanya na matiim ang mga titig na tila siya napapaso.
Hindi siya nakaimik dahil takot siyang malihis ang usapan nila sa totoong nararamdaman niya para kay Franz.Ayaw niyang aminin dito na tinandaan niya ang sabi nito sa kanya noon na ito ang magiging escort niya sa kanyang debu party.Baka pagtawan lang siya nito kasi mukhang biro lang ito sa kanya ni Franz para matahimik siya sa kaiiyak noon dahil inaway siya nito.
Imbes na sagutin si Franz ay iniba niya ang usapan, "Kailan ka pa dumating?Alam ba nila dad na nandito ka na sa Pilipinas, are you staying for good?"
Sinadya niyang ibahin ang usapan upang hindi magkadaugaga sa pagsagot ang kanyang kuya-kuyahan.Lihim naman siyang nagdiwang ng biglang paglingon niya ay umaliwalas ang mukha nito na bumaling sa kanya.
"Fine, keep it to yourself, anyway I will know it sooner or later," makahukugan nitong sabi.
"Why aren't you answering kuya?" demanda niya.
"You haven't answer also," sagot naman nito.
"Your impossible... tsk..." turan niya kay Franz.
Bigla naman siyang natahimik ng mapansin niyang ibang direksyon ang tinatahak ng kotse ni Franz.Bigla siyang naalarma ngunit sa kaibuturan niya ay may hatid na kiliti at kasiyahan na makakasama si Franz ang tinatangi ng kanyang puso.
"Hindi ito ang direksyon sa bahay kuya, saan mo nga talaga ako dadalhin? wala ka pa ring pinagbago, masekreto ka pa rin," sabi niya sa nawawalang pasensiyang tono.
"And you didn't even change either, makulit at walang pasensiya ka pa rin....tsskkk... relax dadalhin lang naman kita sa langit," maangas nitong sabi na pinabilis pa ang takbo ng kotse.
"Fine sige hindi na ako magtatanong but please dahan-dahan naman sa pagmamaneho, ayaw ko pang mamatay kuya!" nenerbiyos niyang sabi dahil takot talaga siya sa high speed.
Bigla naman nagpreno ang kanyang kuya-kuyahan ng hindi na siya maawat sa kanyang paghihisterya.Agad nitong itinigil ang kotse sa gilid ng kalsada at agad siyang dinaluhan.
"Are you okay,Fel?" sa nag-aalala nitong boses.
Napatango siya ng bahagya kahit pa man butil-butil na ang pawis na tumutulo sa kanyang noo at hindi na rin maawat ang mga luha niya.Hanggang ngayon ay may phobia pa rin siya sa naganap na aksidente ikinasawi ng kanyang mahal na mommy.
"I am sorry I don't know that you are a tachophobia.Please calm down," sabi pa ni Franz na agad siyang niyakap at pinatahan.
Masuyo siyang niyakap ni Franz na kanya naman ginantihan.Mas lalo niyang isiniksik ang kanyang hapis na katawan sa malapad nitong dibdib.She feels great to be in his arms at last.Kay tagal niyang pinangarap kung ano ba ang pakiramdam sa mga bisig ng pekeng kuya.Now, she knew, she felt home with his arms.
"Hush now, little vixen, tahan na, it will never happen again, please tell me you are okay now?" sabi pa nito na inalayo ang sarili sa kanya at mariin siyang tinitigan sa kanyang mga mata at dahan-dahan pinahid ang mga luha niya sa pisngi gamit ang palad nito.
"I am good, okay na ako kuya, thanks!"ngiti niyang sabi kay Franz na may halong hiya sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan.
"Good," turan naman nito na inayos ang nakawalang hibla ng kanyang buhok sa kanyang mukha at pagkatapos ay binalik na ang toon sa manobela para paandarin ang kotse.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga.Nag-alala siya na baka narinig ni Franz ang malakas na tahip ng kanyang dibdib sa kanilang paglalapit.Gusto niyang isipin ni Franz na dahil lang iyon sa nerbiyos niya kanina at hindi dahil sa kakaibang nararamdaman niya para dito.
Inayos niya ang upo at itinuon na rin ang tingin sa harapan.Pareho silang tahimik habang binabagtas pa rin ang daan na hindi niya alam kung saan sila patutungo.Pagod na siyang magsalita pa at makipagbangayan pa kay Franz dahil wala ring patutunguhan ang usapin nila.
Nahuhuli niyang paminsan-minsan siyang binabalingan ng tingin ni Franz habang nagmamaneho ito ngunit hindi niya na binagyan pa ng halaga. Instead, ipinikit niya na lang ang kanyang mga mata dahil na rin siguro galing siya sa pag-iyak ay mas gusto niya na lang matulog.
Kahit pa ilang bote ng alak ang mainum niya dati ay hindi siya agad nakakatulog ngunit ngayon ay tila dinuduyan siya sa malamyos na pakiramdam na ang kanyang sinsinta ay nasa tabi niya lang.Kahit pa man ang turing sa kanya ay batang pasaway na kailangan nitong bantayan ay mas mainam kaysa malayo si Franz sa kanyang tabi.
"Wake up sleeping vixen! We are here," pukaw sa kanya ni Franz na nasa labas na pala ng pinto ng passenger seat kung saan siya nakaupo.
"Uhmn...uh.," napadilat siya ng mga mata at agad na napakurap-kurap, nilibot niya ang tingin sa harap ng kotse, hindi pamilyar ang kinaroroonan nila.
Inalalayan naman siya ni Franz pababa ng tuluyan ng maggising ang kanyang diwa.Nakasuot na siya ng leather jacket ni Franz kaya't hindi niya na batid ang lamig.
"Welcome to heaven my little vixen," sa napakatamis na boses na sabi sa kanya ni Franz na kanya namang pinandilatan ng mga mata.
Paano naman magiging heaven itong lugar na pinagdalhan sa kanya ng kuya-kuyahan isang munting bahay kubo na nasa dulo ng malapad na lupain.This is a miserable place like hell to her.Panigurado siyang hirap at hindi langit ang dadanasin niya sa kamay ng kanyang kuya-kuyahan.