Nakaharap ako ngayon sa vanity mirror ng aking silid. Simple lang ang ayos ko at masasabi ko na mas magaling ang mga make-up artists na kinuha ni Blake, kumpara sa kinuha ni Love kahapon na ang kapal ng nilagay na make-up sa aking mukha. Nakasuot lang ako ng body-con na dress, kulay puti at hakab na hakab sa aking katawan. Lampas sa tuhod ang haba, off shoulder at mababa ang neckline, bukas at lantad ang aking buong likod at nakalabas ang aking makinis na braso. Umikot pa ako at kita ko ang magandang hubog ng aking katawan. “My beautiful wife.” Sabi ni Blake sa akin sabay suot ng kwintas sa leeg ko. “Nakakatakot naman ito Blake, ang lalaki ng mga bato. Mukhang delikado ang buhay ko dito.” Pagbibiro ko sa lalaki na tumawa lang. Dinampot din ang korona na maliit at siya mismo ang nag

