Love (POV) Nagising ako na nakatulala. Nilibot ko ang aking paningin, sa palagay ko ay nasa bahay ako. Tanging dalawang nurse lang ang nasa tabi ko. Muli kong pinikit ang aking mga mata dahil nasisilaw ako ng liwanag na nagmumula sa bintana na nakabukas. Naalala ko ang araw bago ko pagtangkaan ang aking buhay. “Nakita kita suka ng suka, ilang araw na. Sino ang nakabuntis sayo, sino ang ama?. Puro ka na lang kahihiyan Love! Wala ka na bang kayang gawin kundi ang mag pasaway? Nabasa ko ang iniwan na sulat ng ate mo, kahit ilang Linggo na ang lumipas alam ko na may mabigat na dahilan kaya umalis ang kapatid mo ng hindi sa akin nagpapaalam ng personal. Ano ang ginawa mo? Dahil kung hindi ikaw ang dahilan, sigurado kasama ka sa paglalayas na sinasabi niya.” “H—hindi ko alam tatay.” “Dyan

