Blake (POV) “Sir, umaga na po. Meron po bang maari na tawagan para sunduin ka dito?.” Tanong ng kung sino na staff ng bar. Naalala ko, wala pala ako sa Syudad, bigla ko tuloy namiss ang bar ni Zyron. Kapag ganito na wasted ako, kahit doon ako matulog ay okay lang. “Here, please leave me alone.” Dinukot ko ang wallet at ang cellphone sa aking bulsa. Inabot ko sa kung sino at muli ko’ng tinungga ang laman ng baso. Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumipas hanggang sa pagtingala ko, nakita ko si Love. Napapailing na lang ako habang nakaakbay ako sa dalawang lalaki. “Salamat mga kuya.” “Nasaan ba si Ate Heart? Siya dapat ang nag aasikaso sayo ‘e. Tsaka, saan naman kita dadalhin?.” Tanong ng babae na hindi ko sinagot. Nanghihina at nahihilo lang ako, pero alam ko ang nangyayari

