Hindi ko alam kung ilang beses may nangyari sa amin ni Fran sa loob ng aking silid. Basta ang alam ko lang ay inabot kami ng magdamag. Ngayon nga ay hirap na hirap ako bumangon sa aking kama. Pag lingon ko ay wala na sa tabi ko ang lalaki, marahil ay naka-uwi na sa kanila. “Good morning mahal.” Nagulat ako ng may dala ng tray ang lalaki at papalapit sa akin habang malaki ang kanyang mga ngiti sa labi. “Ang akala ko umuwi ka na?.” Sabi ko sabay halik niya sa aking pisngi. Inilapag ang pagkain sa ibabaw ng lamesa sa gilid ko at akmang susubuan na ako. “Ako na lang, kaya ko naman.” “Nag pass out ka kaninang madaling araw kaya hindi muna ako umuwi. May masakit ba sayo?.” Nakangiti na tanong ni Fran pero halata sa kanyang mga mata na nag-aalala. Napatulala na lang ako dahil biglang

