“Good afternoon Sir, mga madam. Nandito na po ang dalawang kasambahay na hinihintay ninyo.” Magalang na sabi ng gwardya sa amin. Nandito nga kami ngayon sa sala at kanina pa hinihintay ang mga kasambahay. Si Love ay abala sa kusina magluto ng pagkain na pang gabihan namin, sabi ko nga ay umorder na lang kami sa restaurant pero ayaw ng babae dahil unhealthy daw para sa kanyang kapatid at pamangkin na nasa loob pa lamang ng sinapupunan ni Heart. “Salamat! Papasukin mo na dito, kanina ko pa silang umaga hinihintay." " Magandang hapon ma'am and sir.” Paunang bungad ng dalawang kasambahay na sa palagay ko ay kasing edad lang namin. Pinili ko talaga ang mga medyo bata pa para maliksi kumilos at open minded. “Good afternoon, ako pala si Blake Evans. Ang nasa tabi ko na buntis ay ang asawa

