“Sigurado ka ba na uuwi ka na?.” Tanong sa akin ni Franz, ang matalik na kaibigan ni Blake. Hindi ko akalain na ang hotel kung saan ako nag book at pag-aari pala niya. Siya ang naging sandalan ko sa mga oras na iniisip ko kung mahalaga ba ako sa mga maah ko sa buhay, dahil hindi man lang nila ako hinanap. Kahit ang asawa ko, hindi man lang nag chat sa akin para alamin ang aking kalagayan. “Oo, kailangan ako ni tatay. Kailangan ako ni Love.” Sagot ko sa lalaki habang hinahaplos ko ang maliit kong baby bump. “Kung ganun, sasamahan na kita. I want to make sure na okay ka na makakauwi sa inyo. Sigurado miss na miss ka na ni Blake.” Napa-iling ako sa sinabi ni Franz, palagi niyang sinasabi na mahal na mahal ako ng aking asawa. Pero iba naman ang nangyayari. “Halika na, sapat na ang

