Heart (POV) Magkatabi kaming nakaupo ng kapatid ko na si Love sa damuhan. Hinahaplos ko ang kulay itim na granite na bato kung saan naka-ukit ang pangalan ni Blake. Pinalalandas ko ang aking daliri sa bawat letra. “Ang bilis lang lumipas ng mga buwan at araw ate ano? Parang kahapon lang ang lahat nangyari. Nag-iiyakan pa tayo dahil wala na si Blake, ngayon naman nagagawa mo ng ngumiti. Ate, laban lang tayo huh? Sabi ni Blake parati siyang nandyan lang nagbabantay.” Tumango lang ako sa sinabi ng aking kapatid. Sa aming dalawa mas mabilis nakapag move-on si Love, sabi niya ay mukhang napaghandaan na daw ni Blake ang lahat. Tama naman siya, lahat ng papeles pati last will in testament niya ay updated monthly. Ako ang tagapagmana halos ng lahat. Siguro alam naman niya na hindi ko pagdadamu

