“Ano ba ang plano mo sa iyong buhay Blake?.” Madiin at halata ang inis sa tanong ni ate Phen sa akin. “Bumalik na tayo sa Syudad, walang m—.. wala ka'ng kasama dito.” Sabi ng babae sabay talikod sa akin. Umuuga ang balikat niya kaya halata na umiiyak. “May asawa na ako ate Phen, hinihintay ko na bumalik.” Lumingon ang babae sa akin at tinitigan ako ng masama. “Asawa? Nasaan? Bakit hindi ka inaalagaan?.” “Wala s'yang alam ate Phen.” Sabi ko sa babae na naupo sa gilid ng aking kama at tinitigan ako ng mabuti. “Anong kagaguhan ang ginawa mo para iwanan ka?.” Tanong ng babae sa akin na hindi ko sinagot, iniwas ko ang aking tingin at nanatiling tikom ang bibig. “Sinabi ko na sa mga kaibigan mo ang tungkol sa kundisyon mo.” Mahina na sabi ng babae. Expected ko naman na yun

