Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon na ang araw ng kapistahan ng aming Sitio. Masaya ako dahil araw-araw ay laging nasa silid ko si Blake. Binigyan nya rin ako ng kwintas na mayroong pendant na susi. Dahil ang lalamunan ko raw ay para lang sa kanya! Natatawa ako sa kagaguhan ng lalaki, masaya naman kami sa aming set-up. Yun lang nga at minsan dumadalaw siya kay ate Heart at binibigyan pa ang kapatid ko ng bulaklak. “Sige Blake, kita na lang tayo mamaya dito. Agahan mo huh? Ayaw ko maghintay.” Nasa labas na nga ako, lumabas pa si ate parang sinasadya na inggitin ako na kausap niya si Blake. “Love, sagutin ko na kaya si Blake?.” Sabi ni ate habang nakatingin sa akin. Kumakain ako ngayon ng cake sa veranda at para bang hindi ko na magawang lunukin pa ang laman ng aking bunganga. Gust

