Habang sinisimsim ko ang alak na nakalagay sa aking baso ay biglang bumalik ako sa batang ako.
FLASHBACK:
“Ba—bakit ba kailangan na umalis ka pa Blake?. Mayroon din naman na mga unibersidad dito sa atin na may magagandang kurso.”
Iyak ng kababata ko na si Love. Dalawa silang magkapatid na palagi ko kalaro, hindi kasi ako katulad ng ibang kabataan na naglalaro ng bola sa labas ng kanilang bahay. Ako ay nakakulong lamang dahil puro aklat ang aking kaharap sa halos maghapon ko binabasa. My dad is a doctor, while my mom is an accountant sa ilang negosyo na pag-aari rin ng aming pamilya. Ang masaklap lang, maaga sila pareho na binawi ng langit. Nauna si mama mawala kaya nag-asawa na muli si papa. Ang kanyang second wife ay siya rin na guardian ko ngayon dahil ang papa ko ay inatake sa puso matapos nila mag away ni Tita Veronica ng gabing yun, dahilan para mamatay siya. Sa madaling salita, ulila na ako.
“Tahan na Love, babalik din naman ako ‘e. Huwag ka ng umiyak, lalo kang pumapangit.”
Sabi ko sa aking kababata habang pinupunasan ang masaganang luha nito sa kanyang mga mata. Hindi man lang ito napangiti ng pagbibiro ko, malayo sa normal na araw na lagi itong humahalakhak sa mga hirit ko.
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko na tahimik na lumuluha si Heart, ang ka-edad ko at nakakatandang kapatid ni Love. Pareho kaming dose anyos habang si Love ay siyam na taong gulang pa lang.
“Halika dito Heart, payakap naman kahit sa huling sandali.”
Pagbibiro ko sa babae na inismiran lang ako. Magkaiba ang ugali ng dalawa. Si Love ay malambing at magaslaw, habang si Heart ay tahimik at pino kung kumilos. Ako na mismo ang lumapit sa babae at yumakap.
“Ano ba Blake! Ang pawis mo na ‘e! Kadire ka naman.”
Reklamo ng babae sa akin na alam ko naman na gusto lang niya akong itaboy dahil ayaw niyang makita ko ang namamaga at namumula niyang mga mata.
“Ito naman, naglalambing lang sinusungitan mo pa. Babalikan kita Heart, hintayin mo lang ako.”
Mahinang bulong ko sa babae sabay halik sa kanyang pisngi. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha na animo’y kamatis na hinog. Hindi sumagot ang babae at nakamulagat lang ang mga mata na nakatitig sa akin. Marahil ay nagulat sa sinabi ko.
“Senyorito Blake! Halina po kayo, baka ako naman ang kagalitan ng bruha.”
Sigaw ng aking driver kaya mabilis ko hinalikang muli si Heart sa noo habang niyakap ko si Love. Lalong lumakas ang iyak ng dalawang batang babae na ramdam ko ang kalungkutan. Kumaway lang ako sa dalawa sabay pasok sa loob ng sasakyan at hindi na ako muling lumingon dahil kahit ako ay nalulungkot din.
“Tara na po Manong Isidro.”
Sabi ko sa matandang driver namin na tumango lang sabay mabilis na pinasibad ang sasakyan.
Alam ko na malungkot ang dalawang magkapatid dahil katulad ko, istrikto din ang kanilang ama. Ayaw sila palabasin ng kanilang tahanan dahil babae daw sila. Mabuti na nga lang at magkalapit ang aming taniman kaya nagkakilala kaming tatlo. Medyo malaki ang sakop namin na lupa habang sa kanila ay kapirasong lupa lamang.
“Manong, makakabalik pa kaya ako dito?.”
Tanong ko sa matanda na hindi kaagad umimik. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito tumikhim.
“Alam mo anak, galingan mo ang pag-aaral. Mag-ipon ka para kapag naging matagumpay ka na sa karera mo, hindi ka na kayang diktahan at pasunurin ng iyong madrasta.”
Tumango lang ako at hindi na umimik pa, tinitigan ko lang ang salamin na bintana ng sasakyan, tinanaw ko at suminghot ng sariwang hangin. Dahil alam ko, pagdating sa Syudad ay puro bunganga ng aking madrasta ang aking maririnig.
Bakit ba kasi maaga akong naulila?. Mabuti na lang at matalino ang aking ina, ng mawala siya kahit ang ama ko ay walang nagawa para kurakutin ang aking minana na galing sa aking lolo.
“Saan kayo galing Blake?. Sa mga hampaslupa?! My Gosh! Ano ba ang binabalikan mo sa mga yun? Hamak na mas magaganda ang mga kababaihan sa Syudad.”
Hindi ko inimikan ang aking madrasta at diretso ako sa aking silid. Inayos ko ang ilan sa aking mga gamit at nilagay ko sa malaking maleta. Nakatulala lang ako sa bintana habang nakatingin sa malawak na taniman ng ubas.
“Babalik ako dito, babalikan kita Heart.”
Pangako ko sa aking sarili habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa pasamano ng bintana. Mahirap maging menor de edad. Lahat ng galaw ko kailangan may permiso ng aking Madrasta na parang baliw, minsan mabait madalas masungit.
“Blake anak! Bilisan mo na d’yan alis na tayo! Nako, ayaw ko gabihin sa daan.”
Malakas at nakakarindi na boses ng aking madrasta na si Veronica. Binuksan ko ang pinto at lumabas ako ng aking silid. Bahala siya ang humila ng aking mga damit total siya naman ang apurado na umalis.
“Blake! Ang mga maleta mo, tulungan mo ako na ibaba ang mga ito!.”
Sigaw ng babae na hindi ko pinansin. Ayaw ko umalis dito, masaya ako sa lugar na ‘to. Kaso ang intrimitida ko na Madrasta bida-bida.
Nauna na akong sumakay sa van habang kita ko ang babae na hila-hila ang maleta ko katulong niya ang isang kasambahay.
“Maldito ka talagang bata ka! Kung hindi lang sa allowance ko na natatanggap ng buwanan, pababayaan na kita ‘e.”
“Oh, bakit nga ba hindi na lang kayo umalis?. Natatakot kayo magutom?. Matulog sa silid na walang aircon?. Hintayin mo na dumating ako sa tamang gulang, patatalsikin kita sa kahit na anong pag-aari ko.”
“Aba’t—.”
Hindi natuloy ang sasabihin ng babae ng tingnan ito ng masama ni Manong, takot iyo sa driver namin dahil nga loyal ito sa aking ina lalo pa noong mabubuhay pa. Kaya isang sumbong lang nito, baka sumugod ang pamilya ng aking ina dito.
“Kaya matigas ang ulo! Kunsintidor kang matanda ka.”
“Manahimik ka na lang Veronica dahil yaya ka lang naman ni Blake.”
Sabi pa ng matanda na ikinatawa ko ng lihim. Madalas sila mag asaran dalawa at laging nauuwi sa pag-iyak ni tita Veronica dahil sa inis.
"Tawa pa Blake! Ang sarap ninyong pag-untugin dalawa. Mga bwisit kayo sa buhay ko!."
Malakas na sigaw ng babae na pinagtawanan lang namin ni Manong. Alam ko ang pag susugal na kanyang ginagawa at panglalalaki. Kaya malayo ang loob ko sa kanya dahil dinadala pa niya sa bahay ko. Hindi na hinalang ang ala-ala ng aking ama.
___ End of flashback: