“Ang ganda ng bahay Blake! Pero paano ang trabaho mo? Malayo na ito sa iyong opisina, sa site?.” Tanong ko sa aking asawa na hinalikan lang ako sa aking noo at si Love. “Iisa lang ang silid dito sa taas, sa baba naman mayroong apat na sakto naman sa dalawang tao ang sukat ng silid. Napapalibutan tayo ng mga puno ng niyog, taniman ito ng luya at mga rootcrafts. Ang bayan na ito ay nangunguna sa agricultura kahit nga tuyo ang lupa dito at putik. Halos dalawang oras mula sa dati natin na tinitirhan at sa dating bahay ninyo. Siguro naman tahimik na tayo dito, ang ating pamumuhay no?.” “Pero ayaw ko sa baba mag-isa Blake, nakakatakot kaya.” Sagot ni Love kaya nagkatinginan kami ni Heart. “Malaki ba ang silid mo sa taas?.” Tanong ko kay Blake na tumango lang sa akin. Umakyat kami ng

