CHAPTER: 17

1565 Words

Ininat ko ang aking paa, sinandal ko ang aking likod sa upuan dahil sa pagod ng maghapon na nakaupo. Ilang minuto lang ay nagpasya ako na tumayo na, humakbang ako at hinawi ko ang kurtina na nakaharang sa malaking bintana na salamin ng aking opisina. Napangiti ako na tinitigan ang palubog na araw. “Dalawang taon.” Bulong ko sa hangin sabay ipinikit ko ang aking mga mata at sinamyo ang mabangong hangin na hatid ng katatapos pa lang na ulan na malakas. “Sir, pwede na ba akong umuwi?.” Tanong ng sekretarya ko na si Monica. Ngumiti ako sa babae at tumango. “Yes, mauna ka na. Tapos na akong pirmahan lahat ng mga papel, pauwi na rin ako.” Sabi ko sa babae sabay ayos ng aking gamit at lumabas na ako sa aking building. “s**t! Bakit hindi ko naisip?.” Mura ko ng maalala na sa bahay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD