MADRIGAL possessive 1 : part 16 to 21

3452 Words
MADRIGAL - Date & Cameo Possessive 1 Warning : r18 contents ahead Part 16 to 21 Note : Hindi lahat ng mga lugar,bagay at mga impormasyon sa kwento ay nag eexist sa totoong mundo. (Autor’s speaking) May nabanggit din na pangalan si Mavis at yon ay Sour Malaki ang pag tataka ni Dino sa sinabing pangalan ni Mavis dahil wala naman silang ka workmate na ang pangalan ay Sour, pero hindi yon naging hadlang para ipatuloy niya ang investigation sa restaurant nila. “Pakinggan niyo po yung huling sinabi ni Mavis sa audio record, itutuloy pa rin ho ang pag coconduct ng investigation sa restaurant namin, andoon naman po si Jose siya nalang ang mag bubukas ng restaurant para sainyo” sabi ni Dino sa police. “Okay po sir, ireready ko na rin po ang team namin” tugon nang police Lumapit si Dino kay Jose at nag paalam na para umuwi dahil hindi nakapag paalam si Dino ng maayos kay Neri at basta-basta nalang umalis. “Jose, mauuna na ako umuwi kana rin agahan mo nalang bukas, mag papa virtual meeting nalang ako para masabi ko sa iba” sabi ni Dino kay Jose. Dahil hindi niya kayang puntahan lahat ng mga ka workmate niya mag papavirtual meeting nalang siya para mas madali, kasama rin sa virtual meeting nila ang dating manager nila. Sumakay na si Dino sa kotse at nag drive pauwi sakanila. “Andito na ako” pag bati ni Dino, ngunit pag tapak niya palang sa pintuan ay pinggan na babasagin na agad ang ibinungad sakaniya ni Neri. Ibinato ni Neri ang dalawang pinggan kay Dino, siguro dahil na rin sa inis dahil hindi siya nag paalam. “Puny*ta! ka hindi ka nag paalam sa’kin kung saan ka pupunta” galit na sinabi ni Neri sakaniya. Nag mumukhang dragon na naman si Neri at umuusok na naman ang ilong dahil kay Dino. “S-Sandali lang, pumunta lang ako sa police station dahil may update raw doon sa kaso nila Mavis at Cristine” pag papaliwanag ni Dino. “Pumasok kana rito at ishare mo sa’kin yung tungkol sa update nang kaso nila Mavis at Cristine” sabi ni Neri. Dahan-dahan ang pag pasok ni Dino dahil hindi siya sigurado kung bati naba sila ni Neri. “Bilisan mo Dino” sabi ni Neri, dahil napansin niyang mabagal ang pag lalakad ni Dino papasok sa bahay nila. Naupo si Dino sa tabi niya at niyakap siya. “Sorry na, sa susunod mag papaalam na talaga ako” pang bobola ni Dino. Inirapan naman ni Neri si Dino, dahil alam niyang pang bobola lang naman ang sinasabi ni Dino. “Tsk! Ikwento mo nalang yung about doon sa update sa kaso nila Mavis at Cristine” sabi ni Neri ng may kasama pag tatampo. “Pareho ang mga saksak nila mula sa katawan , mukha at leeg at isa pa kakaibang kutsilyo rin ang ginamit sa pag patay” pag sasalaysay ni Dino sa mga narinig at sinabi sakaniya kanina. Hindi na pinarinig ni Dino ang audio record kay Neri dahil baka mas lalong matakot si Neri. “Napaka grabi naman nyan, kaya ako ’wag mo ako iwan ng basta basta lang” sabi ni Neri ng may kasamang pag lalambing at pag hiling na hindi siya iwan nito at protektahan siya. “Oo naman, pangakong hindi ka masasaktan ng iba” sabi ni Dino, nag bigay rin siya ng pangakong hindi masasaktan si Neri sa kahit sino man. “Bye the way, street food date tayo” pag aaya ni Dino. Hindi naman nag alinlangan si Neri na sumagod ng oo, dahil gustong-gusto niyang nag dadate sila ni Dino. “Syempre naman” tugon ni neri, umakyat na rin siya sa kwarto upang mag bihis at sumunod na rin doon si Dino. “Yung red t-shirt mahal bagay sa’yo yan, tapos yug black na pantalon na medjo fitted” suggest ni Dino kung ano ang susuotin ni Neri. Namula naman ang mukha ni Neri at nag init din ang katawan nito dahil sa sinabi ni Dino na *Mahal* wala kasi silang callsign at hindi rin sila nag tatawagan ng mahal, kaya nagulat si Neri nung tinawag siyang mahal ni Dino. “O-Opo” utal-utal na tugon ni Neri. Nilapitan naman siya ni Dino habang hawak-hawak ang red t-shirt na isinuggest niya. “Eto, mas gaganda ka kung eto ang susuotin mo” malambing na sinabi ni Dino, idinikit ni Dino ang t-shirt sa dibdib ni Neri at niyakap niya rin ’to. “Ganda mo, suotin mona yan mauna na ako sa labas” sabi ni Dino sabay lumabas na siya sa kwarto at bumaba na. Hindi pa rin matanggal ang kilig ni Neri dahil sa nakakakilig na pangyayari, namumula pa rin ang mukha niya at nag iinit pa rin ang katawan niya. ”Neri kalma, ’wag ka masiyadong kiligin” pag papakalma ni Neri sa sarili niya habang patalon talon. Bumaba na si Neri at sinalubong siya ni Dino, sabay silang lumabas habang mag kahawak ang kamay at mag kahawak kamay pa rin habang nag lalakad-lakad. “H-Hindi kaba nahihiya Dino” utal-utal na tanong ni Neri, siguro hindi siya sanay na hawakan ang kamay niya pag nasa labas at pag nag lalakad sila, marami din silang nadadaanan na mga tao kaya medjo nahihiya si Neri. “Hindi, kahit nasaan pa tayo o kahit marami pang taong makakita na mag kahawak kamay tayo hindi ako mahihiya, mga bitter lang ang pupuna sa’tin” mapag malaking sinabi ni Dino sakaniya. Si Dino ang tipo ng lalaking seryuso pero hindi siya mag dadamot na pakiligin ka at hindi rin siya mag kukulang sa mga compliment na ibibigay niya sa’yo, siya yung lalaking seryuso at busy pero hindi makakalimutan mag bigay ng assurance, compliment , and love. Nakahanap na sila ng kakainin nila at yun ay *Fishball* hindi lang fishball ang meron kundi *Kwek-kwek* at *bola-bola* “Dito nalang tayo sa tusok-tusok” sabi ni Dino, inaya niyang sa tusok-tusok nalang sila kumain, pumayag naman dito si Neri dahil eto raw ang meryenda niya nung grade 4 siya hanggang college. “Sigi dito nalang, miss kona rin ’to eh” tugon ni Neri, nag simula na sila sa pag tusok ng fishball , kwek-kwek at bola-bola. “Ang dami mo naman kumuha ng sibuyas, sabi isawsaw lang hindi ubusin yung sibuyas” natatawang sinabi ni Dino, natawa rin si Neri sa sinabi ni Dino dahil ang dami ngang sibuyas doon sa fishball niya. “Nag bayad naman tayo, okay na yan” tugon ni Neri. Nag patuloy lang sila sa pag kain at nung manawa sila ay lumipat na sila. “Salamat po!” pag papasalamat nilang dalawa sa tindero. “Saan naman next natin?” tanong ni Dino. Bago paman sabihin ni Dino na sa lugawan nalang ay inunahan na siya ni Neri na sa paresan nalang daw. “Sa paresan na lang tayo” sabi ni Neri sabay ngumiti ng nakakatakot. “Sigi” tugon ni Dino. Tumakbo si Neri papuntang paresan kaya hinabol ’to ni Dino. “Hoy! saglit lang” sabi ni Dino dahil karipas kung tumakbo si Neri. “Bahala ka jan, paunahan tayo” mapangasar na tugon ni neri. (Dino’s speaking) “Hah! hah! hah!” hingal ko dahil sa karipas na takbo ko, hinabol ko si Neri dahil patakbo siyang pumunta sa paresan, hinahamon pa ako nang babaeng yon mag paunahan salamat siya nauna siya tumakbo “Lintek ka!” sabi ko sakaniya pag dating ko sa paresan, dahan-dahan ko iginapang ang mga darili ko sa tagiliran niya at kiniliti siya. “Ano ba! Dino” galit na sinabi niya sa’kin dahil sa pag kiliti ko sakaniya, malakas talaga ang kiliti ni Neri lalo na sa tagiliran. Mag sasalita na sana ako nang biglang takpan ni Neri ang bibig ko. “Shut up kana Dino, mag order na tayo” sabi niya sa’kin sabay tinakpan ang bibig ko. Pag tapos niya gawin yon ay nag order na siya ng pares, pag ka bigay ng pares sa’min ay agad na naman ’tong kinain. “Akin nalang ’to hehehe” sabi niya sabay ngisi, oh diba ang takaw talaga mauubos kona yung pares tapos bigla kinuha, hindi pa siya nakontento doon sa pares niya dinagdagan kona nga yon. Hindi na ako nag salita at hinayaan ko nalang na kunin niya ang pares ko, habang kumakain siya ay pinagmamasdan ko siya, naka tango pa ako habang pinagmamasdan ko siya, mula buhok hanggang mukha ang tingin ko sakaniya walang pangit sakaniya. “Yey! tapos na” natutuwang sabi niya, napatalon pa siya sa saya dahil tapos na siyang kumain ng pares, siya lang kasi parang hindi naman ako kumain. “5 pm na pala, ano uwi na tayo?” tanong niya sa’kin, pagabi na rin kasi pero sinabi kong antayin muna namin pag lubog ng araw. “Mamaya na, doon muna tayo sa tuloy panoorin muna natin lumubog ang araw” sabi’t pag aya ko sakaniyang pumunta sa tulay, agad namin kaming nag tungo ron at ng makarating kami ay naupo na kami sa gilid non. “Tagal na rin pala natin, naalala ko pa nung unang time na mameet kita sa resto, alam mo tawang-tawa ako non dahil natapilok ka tapos bigla kang na tumba, tutulungan na sana kita kaso naitayo kana ni Pat, pag pasok ko kaya doon sa kitchen tawang-tawa ako” kwento ko sakaniya, nakakatawa naman kasi talaga pag natatalipok kasi ang tanga niya sa part na yon. “Ganon pala hah, ako rin kaya natatawa rin ako sa’yo noon kasi ang sungit sungit mo akala mo naman ano” sabi ni Neri, bumabawi ata siya dahil naasar siya sa sinabi ko Hay! Nako napakaasaring babae. “Anong ano hah?” nag tatakang tanong ko. ”Wala, alangan naman sabihin kona nag fefeeling pogi ka eh ang pogi mo naman talaga” sabi ni Neri sabay tumawa’t nag takip bibig. “Binobola mo lang ata ako para makakain tayo ulet eh” mapangasar na sinabi ko sakaniya, inuuto ata ako para makakain kami ulet magaling mag sabi ng mapagpuring salita pag may kailangan hahaha. “Hindi ah” tanggi niya sabay umunan sa may balikat ko. “Palubog na ang araw, mag bitaw tayo ng pangako sa isat-isa” sabi niya sa’kin, ako na ang naunang nag bitaw ng pangako ko at siya naman ang sumunod. “Pangakong hindi ako mag lilihim sa’yo” pangangako ko sakaniya. “Pareho lang, pinapangako ko rin na hindi ako mag lilihim sa’yo” pangangako niya rin sa’kin. Siguro tama lang na hindi kami mag lihin sa isat-isa, lalo na sa mga nararamdaman sa physical , mental or sa relasyon namin, mas gaganda at tatagal ang relasyon namin kung ganon ang gagawin namin. “Iloveyou Dino” matamis na sinabi niya sa’kin. Humarap ako sakaniya at nag titigan kami mata sa mata, unti-unti kong inilalapit ang labi ko sakaniya mag papang abot ang aming labi at mag hahalikan “Iloveyou too Neri” pabaling kong sinabi sakaniya habang patuloy na mag ka dikit ang aming labi at habang bahagyang nasa mukha niya ang dalawang kamay ko. “Uwi na tayo, gabi na” pag aya ko kay Neri na umuwi na. Bumalik na kami sa kotse at nag drive na rin ako pauwi sa’min. “Dumaan muna kaya tayo kila mama” pag aaya niya na dumaan muna kami kila tita. Doon muna kami pumunta dahil 6 pm palang naman at alam kong miss na din ni Neri si tita. “Sigi, after natin pumunta kila tita uwi na tayo” tugon ko at nag drive na ako papunta kila tita. Mga 6:20 pm lang ay nakarating na kami kila tita, hindi naman sobrang layo kaya naman mapuntahan ng mabilis. “Mano po ta” sabi’t pag mamano ko kay tita, kay tita lang ako nakapag mano dahil nasa itaas daw si tito Pumasok na rin si Neri at niyakap niya si tita, sobrang miss niya talaga si tita halos ilang buwan din kaming hindi naka dalaw simula nung naging kami. (Author’s speaking) “Kumusta na kayo ni Dino anak” tanong ng mama ni Neri, labis din ang pangungulila nito kay Neri dahil ilang buwan niya rin ’tong hindi nakita naging busy kasi sila Dino at Neri sa resto at siguradong mas magiging busy silang dalawa dahil si Dino ay magiging manage na at si Neri naman ang assistant manager. “Okay lang po ma, ayos naman kami ni Dino magiging manager na nga siya at syempre ako ang assistant manager niya, hindi puwede iba hahaha” tugon niya niya, sigurista rin talaga si Neri dahil ayaw niyang may ibang maging assistant manager si Dino. Bumaba ang papa ni Neri at naki singit sa usapan nila. “Eh anak yung tungkol sa apo namin ni mama mo?” pabulong na tanong ng papa niya Napatawa naman silang tatlo at kumunot din ang noo ni Neri. “Pa! naman, sa susunod na ’yang anak anak sa ngayon focus muna kami ni Dino sa resto, syempre para sa future family rin namin at sainyo rin” naiinis na tugon ni Neri, napangisi naman ang papa at mama niya pero kasama non ay ang saya dahil iniisip pa rin sila ni Neri. “Tama yan anak, dapat ready kayo nga pala kumain naba kayo?” sabi ng mama niya. “Opo ma eh, pero gusto kopa kumain” tugon ni Neri, agad naman nag hangin ang mama niya at tinawag naman ni Neri si Dino na naka silip sa may pintuan “Dino tara na kakain na tayo” sabi’t aya ni Neri kay Dino, ang lalim ng iniisip ni Dino dahil naka tanaw siya sa labas. “Sunod nalang ako” tugon ni Dino, kinurot naman siya ni Neri sa tagiliran at tinanong siya nito. “Ano ba kasing iniisip mo?” tanong ni Neri. “Nag aalala lang ako sa’yo” tugon ni Dino, marahil nag aalala siya dahil sa dalawang kaibigan niyang pinatay ng isang ’di kilalang killer, pero siya rin naman ang may sabi na ipagtatanggol niya si Neri sa kahit sino man. “Huwag kang mag alala, mag iingat naman ako at syempre ipagtatanggol mo rin ako” tugon ni Neri sabay ngumisi at hinila siya papunta sa hapagkainan. “Sandali lang” iling ni Dino dahil sa biglaang pag hila ni Neri sakaniya. “Umupo kana o kukurutin kita” pananakot niya kay Dino, hindi na umimik si Dino at naupo nalang. “Kayo talagang dalawa, kumain nalang tayo” sabi ng mama niya sabay tumawa rin ’to. Masaya ang magulang ni Neri na nakikita silang nag kukulitan ni Dino, hangad nila ang lalaking maipagtatanggol at mag papasaya kay Neri, si Neri lang din kasi ang natatanging anak nila kaya sobrang ingat nila rito. “Dino, ingatan mo ang anak namin hah, mahal na mahal namin yan si Neri kaya ipagkakatiwala na namin siya sa’yo dahil alam ko naman na masaya at ligtas siya pag ikaw ang kasama niya, alam mo ba na lagi kong ipinag dadasal na sana makatagpo si Neri ng matinong lalaki at ayon dumating ka, kaya sobrang nag papasalamat ako sa may itaas at sa’yo na rin Dino” habilin ng mama ni Neri kay Dino. Gusto ng mga magulang niya na lagi siyang ligtas, sa panahon ngayon hindi na sigurado ang bawat tao sa kaligtasan nila at hindi na rin makakasigurado kung ligtas sila sa kinakasama nila. “Opo tita, maasahan niyo po ako sa mga inihabilin ninyo, pangakong ligtas at magiging masaya si Neri sa’kin” tugon ni Dino. Nag yakapan silang apat at pag tapos non ay nag paalam na sila Neri. “Ma, pa , uuwi na po kami ingat kayo lagi hah, iloveyou” pag papaalam ni Neri sa mga magulang niya, kumaway naman si Dino bilang pag papalam din. “Oo anak, kayo rin mag iingat kayo” pag papalam ng mga magulang ni Neri. Sumakay na sila sa kotse at nag drive na si Dino pauwi sakanila. Pag uwi nila ay agad dumiretso si Neri sa may kusina at nag hanap ng pag kain. “Kakain kana naman” sabi ni Dino sakaniya, dahil nakita niya ’tong kakain na naman. “Oo bakit, umakyat kana nga ron” tugon ni Neri, halatang naiirita na naman siya kay Dino kaya si Dino ay umakyat na. “Sumunod kana, naka lock na yung gate at pinto umakyat kana agad” sabi ni Dino sakaniya. Pag tapos ni Neri kumuha ng mga pag kain ay umakyat na rin siya. Pag pasok ni Neri ay agad siyang naupo sa tabi ni Dino. “Gusto mo?” pag aalok ni Neri sakaniya na kumain, tinanggihan naman ’to ni Dino dahil busog naman na siya. “Ayaw ko, humiga kana” tanggi ni Dino. Inihiga niya si Neri at niyakap ’to. “Bango mo, baka puwede naman ngayon” panunuksong sabi niya kay Neri. “Bawal, kiss lang ang puwede” mataray na tugon niya. “Napaka damot mo talaga” naiinis na sinabi ni Dino sakaniya. Bigla nag ring ang cellphone ni Dino kaya agad niya ’tong tinignan. (Dino’s speaking) “Hello?” sagot ko sa tumawag, hindi ko alam kung sino ang tumawag dahil walang pangalan ang number nito at hindi nak save sa contact ko kaya pumasok sa isip kona baka yung police ang tumawag sa’kin pero kasalungat pala yon ng iniisip ko, si Aron lang pala yung tumawag classmate ko nung grade 5 ako. “Hello Din, si Aron Guzman ’to classmate mo nung grade 5” pag papakilala ni Aron sa’kin. Buti tanda niya pa ang number ko, solid na kaibigan talaga siya. “Oy Aron kumusta na” pangungumusta ko sakaniya, ilang taon na rin kaming walang balitaan sa isat-isa kaya hindi na rin namin alam ang update sa isat-isa. “Ito okay lang medjo naka angat angat na, ikaw ba Din kumusta ka?” tugon ni Aron, tinatawag niya pa rin talaga ako sa pinalayaw niya sa’kin Masaya ako na kahit papaano ay naging successful siya, mama niya lang kasi ang katuwang niya sa buhay kaya ang hirap ng sitwasyon niya pero nag sisikap siya para sa mama niya at sa buhay niya. “Okay lang ako, magiging manager na sa isang resto at yung girlfriend ko yung assistant manager” tugon ko. “Ako rin may girlfriend na eh, siya rin katulong ko ngayon, pareho pala tayo hahaha” sabi’t tawa niya. Hindi ko alam na nag ka girlfriend na rin pala yung kumag na ’yon, pero alam ko noon na may nag kakacrush sakaniya, si Elise ata yon eh, ewan ko lang kung ayon yung sinasabi niyang girlfriend niya. “Ano pangalan?” tanong ko sakaniya dahil gusto kong malaman kung tama nga ba ang hula kong si Elise ang girlfriend niya. “Si Elise, yung classmate rin natin noon” tugon niya, tama ang hula kong si Elise nga ang nakatuluyan niya. “Sabi kona eh!” tugon ko dahil tama ang aking hula. “Ptss, sino yan?” tanong ni Neri sa’kin, makikichismis na naman sa usapan namin ’tong babaeng ’to. “Si Aron, classmate ko noon” tugon ko. “Siguraduhin mo hah” sabi niya sa’kin sabay pinandilatan ako nang mata. Nabalik kami sa usapan ni Aron at tinanong ko siya kung bakit siya napatawag. “Bakit ka nga pala tumawag Aron?” tanong ko sakaniya. “Mangungumusta lang at gusto ko lang din sana iinvite kayo dito sa bahay namin, para naman mag kakasama tayo sakto kaming dalawa lang ni Elise dito, sama mo na rin girlfriend mo” sabi’t pag aya ni Aron sa’kin. Pumayag naman ako dahil sino bang tatanggi sa inbita ng isang kaibigan. “Sigi ba, sunduin mo nalang kami rito bukas, free naman kami eh” tugon ko. “Sigi, mga 1 pm sunduin ko kayo” tugon ni Aron sabay nag paalam na rin. “Saan tayo pupunta” sabi ni Neri sa’kin habang naka harap at naka pangalungbaba. “Doon kila Aron, 1 pm niya raw tayo susunduin” tugon ko, nagulat ako sa babaeng yon dahil biglang nasa harapan kona. “Yehey!” natutuwang sabi niya, masaya na naman si babae dahil makakagala na naman siya sa ibang bahay. Nakaka excite rin dahil mag kikita na ulet kami ni Aron, sana naman mas gumwapo na siya kesa sa’kin, pero hindi rin naman ako payag na mas gwagwapo siya sa’kin. Bago kami matulog ay hinalikan ko muna sa noo si Neri. “Tulog na, ikaw ulet ang mag luto ng umagahan bukas” sabi ko sakaniya sabay humiga na ako. “Opo” tugon niya sabay niyakap ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD