Breeanna's POV Agad kong ibinalot ang kumot sa hubad kong katawan ng magising ako't makita naghahanda na para sa trabaho si Chale. Bihis na bihis na ito at hinahanda nalang ang dalang bag. "Paalis kana?" Tanong ko na ikinatingin niya saakin bago ngumiti at lumapit. "Yeah. How's your sleep?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa digital clock at alas-otso y media na pala ng umaga. "Bitin." Irap ko sa kanya. Pano ba naman ginising niya ako ng hating gabe ng mga halik niya at hindi na niya ako tinigilan hanggang alas-tres ata ng madaling araw. Napangisi naman siya bago iipit sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ko. "Matulog kapa ulit." Aniya bago ako mabilis na halikan sa labi. Agad ko namang iniyakap ang braso ko sa batok niya ng akmang lalayo na siya. "

