Chale's POV Madaling araw na ng mapagdesisyonan kong umuwi. Sa opisina na ako nagpalipas ng oras. I don't want to see Bree, baka ano lang ang masabi ko. Jealousy is eating me alive, this is the very first time I deal with it kaya di ko alam kong paano ako kakalma. Muli ko na namang naikuyom ang kamao ng makapasok ako sa kwarto namin. Wag lang magpapakita sakin yung Chris na yun, how dare he kiss my wife in front of me. "Bat kakauwi mo palang? San ka galing?" Napatingin ako kay Bree ng buksan niya ang lampshade, nakaupo siya at nakasandal sa headboard ng kama namin. She sounded so cold. "I was at the office." Sagot ko bago agad dumeretso ng closet at kumuha ng pamalit roon at tumuloy ng banyo. Nag-half bath lang ako saglit bago nagbihis at lumabas ng banyo. Muli namang nagtama ang tingi

