Breeanna's POV Nagising ako dahil sa mga mararahang halik ni Chale. Napangiti pa ako ng pagmulat ko ng mata ay ang nakangiti niyang mukha ang nabungaran ko. "Hey." Aniya bago ako muling halikan sa labi. "Hey." Ngiti ko naman sa kanya bago kusutin ang mga mata ko. "Anong oras na?" Tanong ko. "Seven forty-two." Agad naman niyang sagot bago ayusin ang nagulo kong buhok. "What?" Tanong ko ng nakangiti lang siyang nakatitig saakin. "You're just so beautiful." Aniya na ikinakagat labi ko. "Ang galing mangbola." Mahina kong tampal sa pisnge niya na ikinatawa naming dalawa. "Hindi ako nagbibiro. I'd like our first daughter to be just like you. Imagine a little Bree running around the house." Aniya na ikinatingin ko sa kanya. Gusto niya talaga ng anak? "Di ko padin alam bat gustong-gusto m

