Kim POV Tiningnan ko ang orasan ko at malapit na mag six ng gabi. Tumingin ako kay lolo. Hindi pa rin siya kumakain. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ko ang noo niya. Naisip ko na ipagluto si lolo ng sopas. "Lo? Magluluto ako ng sopas ha? Kainin mo po ha?" Bulong ko sa kanya. Natuwa ako nung dinilat niya ang mata niya. At nagulat din ako sa nung nakita kong nagulat siya nung makita ako pero hindi ko na lang yun pinansin. Inayos ko ang kumot niya at lumabas na ng kwarto niya. "Ate? Pwede po bang ako na lang ang magluto para kay lo- este kay Sir?" Wooh! Muntik na. "Sige Kim kunin mo na lang sa ref yung kailangan mo." Kinuha ko na sa ref ang mga kailangan ko at sinimulan ko nang magluto. Wish ko sana magustuhan to ni lolo. Nagulat na lang ako nung may humawak sa bewang ko kaya naman na

