Chapter 7

1162 Words
[KATELEEN'S POV] Nagtatataka ako dahil piniringan ako bigla ni James. "Teka lang James, saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kanya. "Basta baby. It's a surprise. I'm sure magugustuhan mo 'tong pinaghandaan ko." sagot sa 'kin ni James. Sinakyan ko na lang ang trip niya. Ano kaya ang sorpresa niya? Hindi naman namin birthday. Hindi rin namin anniversary, monthsary o kahit weeksary. Anong okasyon kaya ang meron? Ilang oras ang nakalipas hanggang sa nakarating kami sa isang mahanging lugar. Hindi ko alam kung anong lugar ito pero ramdam ko ang lamig. "Ready ka na baby?" tanong sa 'kin ng pinakamamahal kong fiancé. "Oo na lang." naging sagot ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya at naramdaman ko ang pagtanggal ng piring niya sa akin. Kasabay ng pagtanggal ng aking piring ay narinig ko ang pagsisimula ng musikang pangkasal. Ako'y natulala nang makita kong maraming mga bisita. Lahat sila nakangiting nakatingin sa amin. Ngayon ko lang napagtanto kung anong meron ngayon. Kasal. Isang sorpresang kasal. "Surprise baby." narinig kong sabi ni James. Seryosong napatingin ako sa kanya. At saka ko siya pinagpapalo. "Ouch! Baby! Stop, ang sakit!" pagpipigil niya sa ginagawa ko. "Nakakainis ka! Hindi ka ba nag-iisip? Bakit mong ginawang sorpresa yung kasal? Tingnan mo nga ang itsura ko! Naka-crop top ako at ripped jeans. Tapos wala pa akong makeup. Tapos bride ako ngayon?" inis kong sabi sa kanya. "Hehehe! Mukhang hindi mo nagustuhan ang sorpresa ko." sabay kamot pa ni James sa likod ng ulo niya. "I want my wedding to be memorable. Gusto kong maging pinakamagandang babae sa araw ng kasal natin. Pero sinira mo lahat ng 'yon." nakasimangot kong tugon sa kanya. "Sorry baby kung na-disappoint na naman kita. Gusto ko kasi maging kakaiba ang wedding natin." - James "So kaya hindi mo ako sinali sa pagpaplano ng kasal natin dahil surprise mo sa akin." - ako Nakayukong tumango si James. "Well congratulations. Na-surprise mo nga ako. Hindi ko nga lang nagustuhan." ani ko sabay walk out. "Sabi ko sa 'yo hindi magandang ideya 'yan. Hindi ka kasi nakinig sa akin." narinig kong sabi ni Ate Kathleen. Well, hindi naman ako galit kay James. Nagtatampo lang ako sa kanya. Kapag sinorpresa niya ako sa ganitong bagay. Dapat alam niya ang gusto ko. Yung ginawa niyang preparation na sanang kasal namin ay hindi 'yon ang dream ko. Yung dream wedding ko kasi ay sa beach, hindi sa simbahan. Hindi man lang siya nagtanong para makapagbigay ng clue. At hindi man lang niya ako binihisan ng wedding gown. Kung sabagay, baka malaman ko kaagad na may surprise wedding kung ipagsuot niya akong ng wedding gown. Pero kahit na. Hindi ko pa rin gusto ang ginawa niya. - 9:00 PM - Gabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si James. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Gabi na ah. Sinubukan ko siyang tawagan ng ilang beses ngunit nag-ri-ring lang ang kanyang phone. Sinubukan kong tawagan si Billy. Sinagot naman niya ito ngunit ingay ng mga tao at party music agad ang narinig ko. "Hello Billy! Nasaan ka? Naririnig mo ba ako?" - ako ("Hello Kathleen? Napatawag ka? Hinahanap mo ba si James?") narinig kong boses ni Billy. "Oo, kasama mo ba siya?" tanong ko sa kanya. ("Ha? Hindi kita marinig!") sigaw pa ni Billy. "Ang sabi ko, kasama mo ba si James?" pag-uulit ko. Tinapat ko pa ang mic ng phone ko para marinig niya. ("Ha? Si James ba? Eh kasi...") - Billy "What? Kasama mo siya? Nasaan kayo at anong ginagawa niyo?" - ako ("Nasa Dyosa's Bar kami ngayon. Kailangan mo siyang puntahan dito dahil hindi siya tumitigil sa pag-inom ng alak. Naka-sampung bote na siya.") - Billy Nanlaki naman ang mga mata ko dahil do'n. "ANO?" ("Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari kanina.") - Billy "Sige, pupunta ako diyan. Bantayan mo siya." - ako Pagkababa ko ng aking telepono ay agad akong nagbihis at nagmaneho papunta sa Dyosa's Bar. Pagkarating ko sa Dyosa's Bar ay nakita si Billy na naghihintay sa akin. "Nasaan na siya? Bakit hindi mo siya kasama? 'Di ba sabi ko sa 'yo bantayan mo siya?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Eh kasi Kate..." sabay kamot pa ni Billy sa likod ng ulo niya. Halatang ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo. "ANO?" inis kong sabi. "Biglang nawala si James sa paningin ko eh." - Billy "Hanapin natin sa loob. Baka nandoon pa siya." - ako Hinanap namin ni Billy si James sa loob ng bar. Kahit VIP rooms ay pinasok namin. Ang dami naming na-istorbo lalo na ang mga nag-se-sexy time. Inaya pa nga si Billy sa sumali. Kadiri nila. "Wala siya kahit sa banyo ng mga babae." sabi sa 'kin ni Billy. Napansin ko namang may lipstick siya sa kanyang leeg. "Teka, bakit may kissmark ka sa leeg? Nambabae ka siguro no. Isusumbong kita sa bestfriend ko." sabi ko kay Billy. "f**k! Of course not. Muntik na akong ma-r**e ng isang bading kanina. Buti na lang at lasing siya kaya nasuntok ko agad kanina. Pero yuck! May kissmark sa leeg ko?" depensa niya. Kinuha ang alcohol at panyo sa kanyang bulsa para tanggalin ang kissmark sa leeg niya. Wow prepared! "Baka lumabas na siya. Tawagan mo kaya." - ako "Bakit ako? Ikaw dapat tumawag dahil ikaw ang asawa, hindi ako." - Billy "Sinubukan kong tawagan siya pero hindi niya ito sinasagot." - ako "Kung gano'n. Hanapin natin siya." - Billy Lumabas na kami ng Dyosa's Bar para hanapin ang nawawala kong fiancé. Baka kung ano na ang mangyari sa kanya. Lasing pa naman siya. Sumakay na ako sa aking kotse para magmaneho. Ngunit nagtaka ako nang pumasok si Billy. "Anong ginagawa mo rito sa loob ng kotse ko?" - ako "Sasamahan kita sa paghahanap kay bro." - Billy "Hindi ba't mas maganda kung maghiwalay tayo sa paghahanap kay James?" - ako "Hindi ko dala ang kotse ko eh." - Billy "Edi mag-taxi ka." - ako "Hindi ko rin dala ang wallet ko. Kinuha ng asawa ko nang malaman niyang sasamahan ko si James sa bar." - Billy "Edi maglakad ka." - ako "f**k! Ayoko nga. Hanapin na natin si James. Baka nambababae na 'yon." - Billy "'Wag mo nga akong murahin! Sige na! Sige na! Sumama ka na sa akin. At saka hindi nambababae si James. Baka kung ano ang magawa ko kapag ginawa niya 'yon." - ako Para matapos na at mahanap namin agad si James ay hinayaan ko na lang si Billy na sumama sa akin. Nakakainis kasi siya. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagusto rito. Nagsisi tuloy ako. Habang nagmamaneho ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkatinding hilo. Pinara ko muna ang aking kotse. "B-billy... T-tulungan mo ako... N-nahihilo a-ako." nahihirapang kong sabi. Pero pagtingin ko kay Billy ay nakita ko siyang may hawak na spray at may takip sa kanyang ilong at Billy. "Sorry Kate pero kailangan kong gawin 'to." - Billy 'Yan ang mga huling narinig ko sa kanya bago ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD