[KATE'S POV]
"Be my girlfriend."
"Be my girlfriend."
"Be my girlfriend."
Waaaaaa! Ano ba! Kanina pa nag-eecho sa isip ko ang sinabi sa akin ni James kanina.
Of all conditions bakit 'yan pa?
Papayag ba akong maging girlfriend niya para makapag-move on kay Billy?
Baka kasi hindi magandang ideya 'to.
"Bes, okay ka lang?" biglang nagsalita si Louise. Ang matalik kong kaibigan at the same time ay mortal ko na ring kaaway. Magiging kontrabida na ako sa buhay niya at aagawin ko sa kanya ang boyfriend niya. Bwahahaha!
Syempre joke lang 'yon. Ayokong maging kagaya ni Princess. I'm a nice person.
Pero handa akong maging kabit niya.
Joke lang ulit. Halatang bitter ako.
"Okay lang ako Bes." sagot ko kay Louise. "Ba't mo natanong?"
"Kanina ka pa kasi tulala. Nalampasan mo tuloy ang bahay niyo. Hahaha!" natatawang sabi niya.
Napatingin naman ako sa likod and whalah!
Nalampasan ko na nga ang bahay namin. Pang-ilang beses ko na 'yan ah.
"Ay sorry Bes. Una na ako ah." sabi ko kay Bes Louise sabay beso sa kanya.
"Sige Bes." tugon niya sabay wave sa 'kin ng babye.
Nang nasa bahay na ako ay sinalubong ako ng yakap ng kakambal ko.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa 'kin.
Tumango lang ako sa kanya.
"Sige, magbihis ka na para sabay na tayong kumain." aniya.
Pumunta ako sa unang kwarto ko para magbihis.
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta naman ako sa kabilang kwarto ko na kung saan ay nandoon ang mga pictures ni Billy na naka-post sa pader at sa kisame. Ito na talaga ang tamang panahon para mag-move on sa kanya.
Sinimulan kong kunin ang mga pictures ni Billy na nakapaskil sa pader at kisame at inilagay ko ito sa isang basurahan. Kinuha ko rin yung unan na may mukha ni Billy at pati na rin ang mga picture frames.
Pagkatapos ay pumunta ako sa likod ng mansyon namin dala ang basurahan at doon ko sinunog lahat ng 'yon hanggang sa wala nang matira.
Although may panghihinayang sa akin na sinunog ko ito but this is the right thing to do. I want to remove my feelings for him.
"Tama ang ginawa mo Twinsis." Bigla akong napatingin sa likod ko nang may nagsalita.
Si Twinsis pala.
Niyakap niya ako to comfort me. Isa siya sa nakakaalam sa feelings ko kay Billy.
"I'm so proud of you. I know that there is someone better than him. Darating din ang para sa 'yo. Tandaan mo 'yan." sabi sa 'kin ni Twinsis.
Niyakap ko rin siya.
Kahit na ilang minuto lang ang agwat namin ay nagiging ate pa rin siya sa akin sa tuwing may problema ako.
Sana nga ay dumating na yung para sa akin.
- NEXT DAY -
[JAMES' POV]
"So nakapag-decide ka ba na sa offer ko?" tanong ko kay Kate.
Sana pumayag siya.
"Oo James, nakapagdesisyon na ako." sagot niya sa 'kin.
Huminga siya nang malalim habang ako naman ay naghihintay sa sagot niya.
"Sige, payag na ako." dugtong pa niya na ikinatuwa ko.
"Talaga?" nakangiting tanong ko. Hindi ako makapaniwalang papayag siya sa offer ko.
"Oo. Hanggang sa maka-move on na ako sa kanya." sagot niya sa 'kin.
"Yes!" masayang sabi ko sabay yakap sa kanya.
First step, complete.
I will make sure that you will fall in love with me Kate.
[KATE'S POV]
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*
Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko nang niyakap niya ako?
Siguro nagulat lang ako. Tama. Nagulat lang ako.
Pero teka. Bakit niyakap niya ako?
Natuwa ba siya nang pumayag akong maging fake girlfriend niya?
Pero imposibleng mangyari 'yon.
Pumayag lang naman ako sa offer niya para makapagmove-on kay Billy.
Ilang beses kong pinag-isipan ang offer niya and I end up na pumayag na rin na maybe I should try.
At kapag makapag-move on na ako ay balik na sa normal ang lahat.
Pero mukhang matatagalan pa 'tong pag-mo-move on ko kay Billy lalo na't lagi ko siyang nakikita.
Nang bumitaw na si James mula sa pagkakayakap ay nagsalita ulit siya.
"Para maging official ang fake relationship natin, we will sealed it." sabi niya na ipinagtaka ko.
"Sealed our fake our relationship? How? Wala naman tayong contract." kunot kong tanong sa kanya.
At nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko and then he kissed me on my lips. Smack lang 'yon pero pakiramdam ko ay umabot na sa langit ang kaluluwa ko dahil sa gulat. He is really full of surprises.
"We will sealed it with a kiss." sabi niya at hinalikan niya muli ako. This time ay tumagal na ito.
Hindi ako tumugon pero hindi rin ako umagal sa halik niya.
I'm still shook of what happened.