Chapter 4

995 Words
[JAMES' POV] - THREE WEEKS LATER - Simula noong pumayag si Kate na maging fake girlfriend ko siya ay lagi ko na siyang naaayang lumabas para kumain, laging kaming magka-partner sa mga activities sa school, marami ring nagsasabing may relasyon kaming dalawa dahil sa sobrang close kami lalo na yung mga kaibigan namin, at kung ano-ano pa. "Umamin nga kayong dalawa. May secret relationship ba kayo?" tanong sa 'min ni Louise. "Wala nga." sabay naming sagot ni Kate. Hindi pa nila pwedeng malaman ang totoo. "Sus, nag-deny pa kayo kahit halata naman." sabi naman ni Princess. "Just admit it." ani Kathleen. "Oo na sige na. May relasyon nga kami ni James." sabi ni Kate which makes my heart flattered. *dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug* Fucking s**t! She really said it. She really said na may relasyon kami kahit fake lang 'yon. "Sinasabi ko na nga ba na may relasyon kayong dalawa." sabi ni Louise. Kung alam niyo lang ang totoo ay baka nasapak niyo kami ni Kate. "So kailan naging kayo?" tanong ni Fredison sa 'ming dalawa. "Mga four weeks na rin." sagot ko. "Ay hubby ko, malapit na pala ang first monthsary nila." excited na sabi ni Louise. Oo nga no, malapit na kaming mag-one month ni Kate kung totoo lang ang relasyon naming dalawa. Three days na lang ay monthsary na namin. "So ano ang plano niyo sa monthsary niyo?" tanong sa 'min ni Billy. Ano kaya? "Kailangan pa bang i-celebrate 'yon?" tanong ni Kate. "Of course, It's a special day para sa magkasintahan." sagot ni Louise. *kriiiinnnnnngggggg!* Biglang tumunog ang phone ko. May tumatawag. "Wait lang guys, I need to answer this call." sabi ko sa kanila at lumabas saglit sa cafeteria para sagutin ang tawag. "Hello?" ("James, it me Justine.") "Ikaw pala. Why did you call me? Wala naman tayong photoshoot today ha." tanong ko sa kanya. ("'Yon nga ang tinawag ko sa 'yo. Kailangan nating i-reschedule ang photoshoot natin in next three days dahil magiging busy ako sa mga susunod na araw.") - Justine "Ha? Pero..." ("No buts James. My decision is final. At saka nag-iba rin ang location ng photoshoot. I'll text you the address.") - Justine "Teka lang..." *toot toot toot* Hindi na ako nakapagsalita pa dahil namatay na yung call. Weird. Hindi naman ganito si Justine dati. Mostly may pagka-clingy siya sa akin which is I won't mind naman. Pero ngayon ay parang ang seryoso niya. For the first ay siya mismo ang unang pumatay ng call. Ako kasi ang unang nag-e-end ng call sa tuwing nag-uusap kaming dalawa through phone. Pero ngayon... Ano kaya ang nangyari sa kanya? Maybe busy lang siguro si Justine kaya ganito siya ngagon. Pero she said, in three days na ang simula ng bagong photoshoot ko which is first monthsary din namin ni Kate. Ano ang gagawin ko? May naisip pa naman akong plano para sa monthsary naming dalawa. Siguro ay mas uunahin ko na lang ang photoshoot since mukha naman siyang walang pakialam do'n. I don't want to expect too much from her dahil baka in the end ay masaktan lang ako. Kahit na nakakapag-move on na siya kay Billy ay wala pa ring sign na nahuhulog na ang loob niya sa akin. Maybe I should give up my feelings for her. Alam kong darating din ang para sa kanya at para na rin sa akin. We're not destined to each other. [KATE'S POV] - THREE DAYS LATER - *basa* *basa* *basa* Kainis! Walang pumapasok sa isip ko. Bakit kasi hindi pa siya tumatawag? It's been three days na wala akong call galing sa kanya. Pero may pumasok na isang dahilan sa isip ko. Although magiging assuming ako sa part na 'to, maybe he is preparing something special for me. First monthsary namin ngayon bilang fake couple. Hindi ko tuloy mapigilang ma-excite. Ano kaya ang hinanda niya para sa akin? *kriiiiinnnnnngggg!* Biglang tumunog ang phone ko. OMG! Baka siya na 'yon. Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan ang pangalan ng caller sa screen. *** Billy my loves calling... *** Biglang nawala ang excitement sa mukha ko nang makita ko ang pangalan ng caller. Akala ko siya. Hindi ko pa pala napapalitan ang pangalan ni Billy sa contacts ko. Mamaya na lang siguro. I need to answer this call. *** Since tinamad na ako sa pag-aaral para sa exam namin ay pumunta muna ako sa isang convenience store para bumili ng noodles. Medyo na-crave ako bigla sa noodles. Mga tatlong pack ang binili ko. "45.90 pesos po lahat Ma'am." sabi sa 'kin ng babaeng cashier. Agad ko namang binayaran 'yon at lumabas na ng grocery. Habang naglalakad ako papuntang waiting shed ay natigilan ako nang may nahagip akong isang napaka-pamilyar na mukha. Hindi ako nagkakami. Si James 'yon. May kasama siyang isang babae. Ito yung babaeng tinarayan ako dati na may lahing ahas dahil grabe siya makahawak kay James noon. Pero bakit sila magkasama? Parang may kumirot sa aking puso. Akala ko... Pero mas lalo pa itong kumirot nang hinalikan ng babae si James. So nag-aasume lang pala ako. Agad akong umalis at hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon dahil sa nararamdaman ko. For the second time, I am f*****g broken again. Napatigil lang ako sa pagtakbo nang makaramdam na ako ng pagod. I thought that I will become happy again since naka-move on na ako kay Billy. But I was wrong. Kahit na naka-move on na ako sa kanya ay nahulog naman ang loob ko kay James. Yes, I already love James. Masaya akong naging boyfriend siya even though it is fake. Umaasa akong magiging totoo ang relationship naming dalawa. But after what I saw. Ang masasabi ko sa sarili ay napakatanga ko. I need to stop this f*****g deal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD