nakabalik na po kami,
ibigay niyo na kay telma yang pinitas niyo at nang makakain na din kayo ng almusal coline ikaw na ang mag asikaso dito kay brandon dun muna kami sa labas at madating na din ang mga kamag anak natin
sige mo ma, hon tara na ibigay mo na yan kay ate telma at mag hain ako ng almusal natin
sige po ibigay ko muna to,
after nga kumain muna kami ng almusal bago kami naligo at lumabas na din para makihalubilo sa mga kamag anak, kakilala ko naman halos mga pinsan ko at yearly din naman kaming nag babakasyon,
pinakilala ko din si tyron sa kanila at nagkwentuhan kami, nagplano na din kami para bukas sa swimming namin, usap usap lang hanggang dumating ang tanghalian, sa labas na din kami kumain since malilim naman tulong tulong kaming naglabas ng mga pagkain at inilagay sa mahabang lamesa sa labas at masaya kaming nagkainan ng tanghalian syempre si mawawala ang picture taking,
after ng lunch tumulong muna kami sa paglilinis ng aming pinagkainan saka kami nagkwentuhan uli fiesta kaya nag aaya sila maglibot sa peryaan mamayang hapon, nagpaalam muna kami sa matatanda pumayag naman sila wag nga lang magpapagabi at may lakad nga kami bukas lahat din kami kasama pati mga parents namin sasama din daw kaya nag lumamig na naglakad na kami papunta sa bayan.
nag enjoy naman kmi sumakay kami sa mga rides tumaya at naglaro kami sa mga games, dun nakakuha din kmi ng maliit na teddy bear bilang premyo masya naman, nag gumabi ng mga 8pm bumili muna kami ng popcorn para kainin namin sa daan habang naglalakad, nagkanya kanya na kami ng uwi magkita kita nalng uli kami bukas.
ma, pa andito na po kami,
kumain na kayo ng makapag pahinga na maaga tayo gigising bukas mamitas uli kayo ng gulay para dalin bukas,
sige po ma,
sige kayo na ang bahala diyan ag magpapahinga na din kami,
ok po good night po,
kumain muna kmi ni brandon bago kami nag half bath at natulog.
kinabukasan maaga kami nagising at excited sa swimming 5 am palang kumabas na kami sa kwarto gising na din sila nagkakape kaya kami din nagkape muna with pandesal,
8 am andito na ang mga pinsan ko, isang jeep kaming nagpunta sa ilog masaya magulo, kami sa biyahe,
at nag dumating kami sa ilog kanya kanya na kami ng ligo ang matatanda na ang nag ayos ng mga pagkain namin, ganun lang ang gawa namin mag hapon.
pati si tyron mabilis nakasundo ang mga pinsan ko kaya hindi siya nao.p game din siya sa mga kalokohan ng mga pinsan ko,
pag kauwi namin ng hapon pagod na pagod kami mga kakalagoy nag banlaw lang kami at nakatulog na kami ni tyron.
ang bilis ng panahon babalik na pala uli kami sa manila, ganun uli si tyron ang driver at ako ang sa front seat madaling araw din kami umalis kila lola at baka abutan kami ng traffic. tanghali na kaming nakarating sa bahay,
magpahinga na muna kayo at magluluto muna ako ng tanghalian natin, madami naman silang padala na mga gulay kaya yun nalang ang iluluto ko par mabilis. tyron magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka sa long drive,
sige po ma, mayang hapon po uwi na din po muna ako, pwede ko po bang isama si coline mag stay sa bahay kahit two days lang
ok sige wala pa naman kayong pasok kaya pwede pa kayong mag liwaliw at sa pasukan busy na uli kayo lalo na at malapit na kayong mag graduate.
thanks ma pahinga po muna ako, hon sa kwarto muna ako,
samahan na kita malutan ko muna ang bedsheet at baka maalikabok, ma samahan ko muna si tyron
sige tawagin ko nalang kayo pag nakaluto na ako,
pinalitan ko muna ang bedsheet at punta ng unan ko bago kami nahiga ni tyron, si tyron nakatulog habang akap ako mukhang napagod nga siya sa pag dridrive at nakatulog siya, maya maya kumatok na si mama binukasan din niya amg pinto,
baba na kayo at kakain na tayo,
sige po ma sunod kami gisingin ko lang tong si tyron,
hon gising na po kakain na tayo hinhintay nila tayo sa baba,
mmmhp nakatulog pala ako napagod ata ako hehe
lika na bangon ka na ng makakain na tayo,
bumaba na dun kami para sumabay kila mama na kumain,
tyron magdala ka mamaya ng mga gulay pag uwi mo at madami naman yang pinadala nila baka masayang lang hindi namin maubos ni papa mo,
sige po magdala ako mamaya matutuwa si mommy at fresh ang mga gulay,
ikamusta mo nlng kami sa parents mo,
makakarating po.
pag tapos namin kumain nagpahinga lang kami saka na namin binababa ang ilan pang mga gamit na naiwan sa sasakyan, pinagbukod na din ni mama si tyron ng iuuwi niyang gulay, ako naman nag ayos na din ako ng dadalin kong gamit at dun muna ako kila tyron, wala akong damit sa kanila hindi katulad niya na may mga damit siya dito at mas madalas siyang andito,
ako kasi dumadalaw lang dun sa kanila pero hindi ako natutulog dun.
nag maghapon nagpaalam na din kaming aalis,
ma alis na po kami hatid ko nalang po si coline,
sige mag ingat sa daan ha, mag msg ka coline pag nakarating na kayo,
ok po ma alis na po kami, ( nagmano muna silang dalawa bago tuluyang umalis )
mi andito na po ako kasama ko po si coline, manang pakuha nalang po ako ng mga gulay sa sasakyan, salamat po
oh coline buti at naisama ka nitong si tyron,
opo pinagpaalam po niya ako kila mama kung pwde niya akong isama at mag stay dito kahit 2 days lang,
mabuti naman kung ganun, may gala ba kayo
hindi ko po alam sa kanya kung ako ko mas gusto ko po muna sa bahay para makapagpahinga at malapit na po uli ang pasukan.
magpahinga muna kayo at alam ko mga pagod kayo asan nga pala si tyron
andyan po sa labas baka po binilinan niya si kuya na linisin yung sasakyan niya, may dala din po pala kaming gulay galing sa probinsya,
wow kinuha na ba ni manag yun ang ipapaluto ko, alam mo naman ang room ni tyron diba sabihan ko muna sila manang,
sige po mom akyat po muna ako
sige iha ipatawag ko nalang kayo mamaya sa dinner.