Lagot Natapos muli ang klase. Parang ang bilis bilis ng panahon at nagmamadali ito sa isang bagay. Nagyayaya na naman ang mga pinsan kong gumala sa kung saan-saan. Dumaan narin ang aking birthday. I am already nineteen. Sa bahay lang rin ako nagkaroon ng party. Inimbita ko ang mga friends ko, kung sinu-sino nalang ang mga dumalo at nagbigay ng gifts, ang iba ay nagdadala pa ng kanilang friends na kilala rin ako. "Sino iyong naka pink na kumikinang ang top, Elle?" tanong ng maharot na si Ken nang tabihan niya ako rito sa table at nakikipagtawanan kina Penny. Kinindatan niya muna si Lexy. Ngumisi ang aking pinsan lalo na't namula pa ang pisngi ng aking kaibigan. Kinurot ko ang kanyang tainga kaya ngumiwi siya. "Shoo! Stop hitting with my friends!" pananaboy ko habang dumadaing siya.

