Gustong Gusto Ko Pa Sa mga sumunod na araw ay hindi na kami gaanong nakakapagkita ni Haze. Pa text text nalang at tumatawag siya paminsan minsan pero may mga araw din namang nakakalimutan ko talagang magreply. Naging busy rin kasi ako lalo na't nagpaplano sina Mommy at Daddy na pumunta sa US para bisitahin namin sina Lolo at Lola. Doon ata kami mamamalagi ng ilang araw, kami ng mga Kuya ko at mga pinsang Fortalejo, lalo na't birthday din ni Lolo. "Pupunta rin ba sina Ate Chey, Mommy?" pangungumpirma ko habang nasa isang Mall kami, namimili ng mga ipapasalubong kay Lolo. "I guess so... Pupunta rin kasi ang Tita Cheyenne mo roon so baka makakasama natin sila including your other cousins." Tumango ako at tiningnan ang aming cart na medyo napupuno na. Puro lang naman iyon pagkain na hi

