High Standards Pagkatapos naming mag-usap ni Kuya ay nagdesisyon parin siyang manatili. Hinayaan ko na lamang siya at ang lintek na si Haze naman ang aking kinakausap na masyadong tinatakot ang aking kapatid. "Stop giving him that look! You're scaring him!" Pinitik ko ang kanyang ilong. Ngumuso siya at kumakalma na ang ekspresyon. "Sinabi mo na pala?" Dahan dahan akong tumango. Binasa niya ang labi at sumulyap muli kay Kuya na naroon lamang sa bench, nakaupo at nakahalukipkip, akala mo ay kung sinong gwapong bantay. "Baka gusto niya ring magtraining nang makasparring ko siya..." he smirked at me. Sinamaan ko siyang muli ng tingin. Napawi ang kanyang ngisi at hinaplos ang batok. "I'm sorry," agaran niyang sabi kaya kumalma naman ang aking ekspresyon. Hinila niya ng marahan ang ak

