Landon Amarillo Pasko... New Year... Kaarawan ng aking mga Kuya... Kaarawan ko. Kaarawan ng aking mga pinsan, nina Mommy, Daddy... Lahat ng iyon ay lumipas na parang bula sa ere. Sa bilis ng usad ng panahon ay takang taka na ako kung bakit parang wala atang kasalang nangyayari. Nagtagal akong teacher sa Center lalo na't mas napamahal na sa akin ang mga bata. Ako parin ang nagtuturo sa kanila dahil mukhang iyong hinihintay nilang Substitute ay hindi rin kaya ang sahod. Wala akong balita kung ano na ang nangyayari. Bakit hindi parin ako pinapauwi? Ilang taon na kaming nabubulok dito ni Tobias at parang naging bahay nalang namin ang Resthouse, naging mga Uncle ko naman ang aking mga kasama sa loob na todo bantay parin sa akin. Ang ibig sabihin lamang nito ay hindi parin natutuloy ang k

