Mas Magaling "OMG, Brielle!" Nagtilian agad sina Lexy at Peny lang lumapit na ako sa kanilang gawi. Nagtatalon si Lexy, hawak ang aking mga kamay habang si Peny ay parang nangingisay pa. Tumawa ako at sumulyap kay Kiera na nakahalukipkip lamang, katulad ng palagi niyang reaksyon. "He taught you how to shoot! Ang cool cool!" sigaw ni Lexy sa nangingislap na mga mata. Humagikhik ako at ipinakita sa kanila ang aking gold card. "He also signed me up. May access na ako rito sa shooting range as their VIP customer, too," pagmamayabang ko. Si Kiera agad ang kumuha noon at tiningnan iyon ng seryoso. Kahit sina Lexy at Penny ay sumilip narin doon, nanlalaki ang mga mata nang tingnan ang makinang kong gold card. "Holy s**t, Brielle... What did you do to Haze?" Halos suminghap si Penny, na

