Napakayabang! Noong makahanap ng tyempo na makatakas sa kanyang mga kamay ay mabilis na akong lumangoy pabalik sa dalampasigan. Tobias watched me seriously as I stood and went to him. Basang basa ako, ang buo kong katawan na kahit ang aking buhok ay piniga ko nalang. "Nakakainis si Landon!" Umirap ako, gustong itago ang kaba na naramdaman ko noon at manaig ulit ang tapang sa akin. His words are so powerful. Ganoon siya kasigurado na kayang kaya niyang makuha ang gusto niya ano mang oras. At ano ba anv iniexpect mo Elle? He knows how to read a woman since that's one of his expertise! Magaling siya sa mga babae. Noon pa man, kahit ako na ignorante ay pinaikot ikot niya sa kanyang kamay. He taught me silly things! He made me believe with his lies. Sa sobrang dami ko ring natutunan sa ka

