Mag-isang nagsa-shopping si Dadaria. Kailangan pa kasi ng ibang gamit ang bahay nila. Of course gusto rin naman niyang ma-experience ang buhay may asawa. Sports naman sila ni Xenon kaya walang problema. Kasalukuyan na siyang papunta sa counter. Nang makapagbayad ay tinulongan siya ng sales boy na buhatin ang mga binili niya papunta sa sasakyan. "Thank you," nakangiting ani niya. Ngumiti lamang ito. Masayang nag-drive siya pauwi. Plano niya kasing lutoan ng masarap na pagkain si Xenon. Nakangiting binuksan ng guwardiya ang gate at kaagad na ipinark niya sa garage ang kotse. Kumunot ang noo niya nang makitang may isa pang hindi pamilyar na kotse. Nagpatulong siya sa guard na ipasok lahat ng pinamili niya. Wala naman kasi silang katulong dahil request na rin niya. Kaya na niya iyon habang n

