Alam niyang hindi siya okay at never siyang magiging okay. Nag-drive na siya pauwi sa bahay ng mga magulang niya. Hinahayaan niya ang luha niyang namamalisbis kahit anong pigil niya tumutulo pa rin. Mabilis na pinagbuksan siya ng guard nila at pumasok na siya sa loob. Tumakbo siya papunta sa Mommy niya na kasalukuyang nakikipag-usap kay Victoria. Nagulat naman ito nang makita ang estado niya. "Anak anong nangyari?" Tanong nito. Humagulhol lamang siya at niyakap nang mahigpit ang Ina. Maging si Victoria ay hindi na maipinta ang mukha nito. "What happened?" Nag-aalalang tanong nito. Nanatiling nakayakap lamang ang dalaga sa Ina niya at hinayaan ang sariling umiyak. Nang mahimasmasan na siya ay nanginginig na uminom siya ng tubig. Huminga siya nang malalim at inayos ang sarili. "Maghi

