Kaagad na nanlaki ang mata ng dalaga nang makitang nakatihaya na si France sa buhangin. "What the hell, Xenon!" Singhal niya at inalalayan niya si France na makatayo. Xenon's jaw moved at parang hindi makapaniwalang tiningnan si Dadaria. "Binabastos ka eh," matigas na ani ng binata. Napahawak sa ulo niya ang dalaga at sinamaan siya nang tingin. Inalalayan nito si France na ngayon ay nakangiti lamang sa kaniya at pinunasan ang gilid ng labi nito. Ilang sandali lang ay kunot na ang noo ni Taran na kakaahon lang din. Nilapitan nito si Xenon at niyakap. "What happened?" Takang tanong nito. Nakatingin kay Dadaria at France. "Sh*t happened," cold na ani ng binata at tumalikod. "Wait babe!" Sigaw ni Taran. Nilingon siya ng dalaga at sinamaan siya nang tingin.. "Alam mo simula nang duma

